Chapter 9: Calm

10.4K 345 47
                                    

Trevor's POV

"Kailangan nating maunahan ang dalawang kaharian sa paghahanap ng Prinsesa." Puno ng determinasyong sabi ko. He's having a meeting with his father and beta.

"Pero hindi natin alam kung na saan sya, Alpha. Hindi din natin alam kung ano ang mukha niya. Kung sila nga nahihirapan, paano pa tayo?" Ani Duke.

"Pero andito lang daw sya sa lugar na'to kaya dapat lang nating higpitan ang seguridad. When I arrived from States, nasabi ko sa inyo na kung sino ang unang makipag kasundo sa anak ng hari at reyna ay kakatakutan at rerespetuhin ng lahat. At ngayon alam na nating babae ang hinahanap nila at hindi lalaki at nasa teritoryo pa natin sya. Kaya hindi 'yun impossible."

"Anong plano mo ngayon, Alpha?"

Huminga ako ng malalim at pumikit. "Sa ngayon ay dapat nating unahin ang paghahanap sa Prinsesa. Kapag nahanap na natin ang Prinsesa ay pu-pwede ng hindi matuloy ang pag-iisa ng Silver Moon pack at Blood Crest pack dahil tayo na rin naman ang mangunguna at kakatakutan sa buong werewolf realm."

"That's risky! Kailangang maging priority mo si Ashley, Trevor. Dapat ay maging Luna na sya ng Blood Crest!" Giit ni Dad.

"No, Dad! We will find the Princess first!" Matigas na sagot ko.

"Walang patutunguhan ang paghahanap mo! Walang katiyakan kung makikita mo ang Prinsesa!" Rason nito.

"No, Dad! Just trust me on this. Mahahanap natin sya."

"Hindi ako papayag!" Bulas ni Dad kaya kumunot ang noo ko.

"Walang makakapigil sa akin!" May diin kong sagot.

"Bakit mo ba binabago ang plano???!" Galit na sigaw ito.

"Dahil iyon ang gusto ko!"

"Hindi maaari dahil nakausap na natin ang kabilang kampo! You should be a man of your words, Trevor."

"Wag nyo akong pilitin Dad!"

"Ako parin ang masusunod dahil ako ang Ama m"....

"I already found my mate and I WANT TO BE WITH HER!!!!" Hindi ko natiis na isigaw iyon. Bakas ang gulat sa mukha ni Duke at ni Daddy.

"S-Sino?" Gulat na tanong ni Duke.

"I-It doesn't matter who she is, Duke. Basta ayoko ng ituloy pa ang plano na maging isa ang Silver Moon at Blood Crest. Tapos!"

"Hindi mo gagawin yan. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging Luna mo si Ashley, Trevor. Wala ka ng magagawa. At wag na wag mo akong susubukan dahil ako ang mismong papatay dyan sa nakatakda sa iyo kung babaguhin mo pa ang plano! Puntahan mo ngayon si Ashley at magplano kayo para sa gaganaping seremonya sa susunod araw." Pagkasabi nun ay umalis na si Daddy sa loob ng library office. Nasabunot ko nalang ang buhok ko sa galit.

May takot na bumalot sa aking puso ng pagtangkaan ni Dad ang buhay ni Kira. This is hard. I know how evil dad is and Kira is too weak for that.

Kira's POV

Papasok na sana ako sa science lab ng bigla akong makaramdam ng sakit at parang hinihiwa at pinipiga ang puso ko. Napakapit ako sa railings. Nangangatog ang tuhod ko sa sakit. Nagbabantang tumulo ang luha ko.

I know what's happening. Trevor is having sex again. I can feel the excruciating pain. Damn him!

Napaluhod ang sa sakit nang may mga bisig na sumalo sa akin.

"Kira, what's happening?" Narinig ko ang nag-aalalang boses. Hindi ko nakita ang mukha ng taong 'to dahil nakapikit ako sa sakit. My senses are numb.

"Aaaaaah! H-Help me! Get m-me away f-from here. P-P-Please!" Daing ko sa sakit. My tears are falling.

"Hold on, Your Highness." Hindi ko alam kong yan ba talaga ang sabi niya o tama ba ang narinig ko, basta hindi ko na nabigyang pansin pa dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Binuhat niya ako palayo sa maraming tao. Rinig na rinig ko ang mga bulong-bulongan pero wala itong pakialam sa paligid at nagmamadaling dinala ako sa clinic. Somehow I feel relax from his touch pero nandun parin ang sakit na hindi ko maipaliwanag. 

Inihiga nya ako sa kama. I instantly did a fetal position.

"Husssh! It's alright." Hinawakan nya ng marahan ang noo ko.

Ramdam ko ang sakit at galit kaya hindi ko napigilang payanigin ang mundo ng malakas na may kasamang pagkulog at kidlat habang tumutulo ang luha ko.

"Aaaaaah! A-Ang s-sakit! Make it stooop!" Sigaw ko.

"Ssssh, I'm here, Baby. Calm down." Marahan parin niyang hinahaplos ang noo ko at na relax ako sa bulong niya. Ang sarap sa taenga ng boses niya at para akong hinehele. 

Tumigil ang lindol at ang kulog at kidlat.

Bahagyang minulat ko ang aking mata para makita kung sino ang lalaking ito.

"N-Nathaniel?" Gulat kong bulas.

"Sleep." After I heard him said that namigat ang talukap ko. Hindi ko malabanan at natulog ng mahimbing.

*****

End of Chapter 9. Short update :)

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon