Chapter 17: Mate

10.5K 329 6
                                    

Kira's

Nang makapasok ako sa klasroom ay pansin ko ang mga matatalas na tingin ng mga ka klase ko sa akin. Pa simple kong tiningnan ang professor namin na namimigay ng exam result. Parang alam ko na kung bakit ganyan kasama ang mga tingin nila sa akin. Balewala akong pumunta sa upuan ko. Naramdaman ko ang pasimpleng pag sipa ng isang kaklase ko ang upuan ko ngunit hindi ko sya pinansin. Kinuha ko ang notebook sa bag ko na laging gamit ko sa pag da-drawing ng kung anu-ano.

"Kira." Tawag sakin ng prof namin kaya napataas ako ng tingin. He handed me my test result and smiled.

"Congratulations! You got another perfect score in your exam and the rest got zero. Ikaw lang ang exempted sa midterms nyo." Nakangiti nitong bati sakin. Tipid akong ngumiti at tumango. Kinuha ko ang test paper ko at nakita ko ang nakasulat na malaking A+. I smirked at the back of my mind. Tingnan mo nga naman.

"Class, I will leave you early to study. Since you all failed, I will let you have your second chance. Don't take this opportunity again for granted or else, uulitin nyo ang physics next year." Ma autoridad na utos ng prof namin. Tamad naman na sumagot ang mga kaklase namin. 

Umalis ang professor namin dala-dala ang mga gamit nito at naiwan kami sa loob ng silid. Ramdam ko ang matatalim na tingin nila sa likod ko. Tumayo ako upang umalis pero humarang si Reynold sa akin. Isa ito sa humarang sakin noon at nagsabing pakopyahin ko sila sa exams. Tinulak nya ako ng malakas kaya napa-upo ako sa sahig.

"Anong ginawa mo at bumagsak kami sa exam?! Mali lahat ng binigay mong sagot sa aming lahat!" Nangangalaiti nitong ani. Hindi ako umimik. Pinalibutan na ako ng lahat at pinagsisipa ako. Pumikit ako upang kontrolin ang galit ko. Ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng mata ko dahil sa samot-saring emotion. 

Galit. 

Inis.

 Gusto kong pumatay. 

Kinuyom ko ang kamay ko dahil gusto ko silang sunugin lahat.

"KUNG GUSTO NYO PANG MABUHAY ITIGIL NYO ANG GINAGAWA NYO! NGAYON DIN MGA PUTANG INA NYONG LAHAT!" Nagsitigil ang mga kaklase ko sa pagsipa sa akin at yumuko gayun din ako ay natigilan sa lalaking pumigil sa mga kaklase ko. Kilala ko ang boses na yan kahit nakapikit pa ako, maging ang amoy at malakas na awra nito.

Naramdaman ko ang bawat paghakbang nito at nagsisipagtabi sa daan ang mga kaklase ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang itim na itim na mata ni Trevor. Napakunot ang noo ko. Anong nakain nya? Tumayo ako agad at pinagpag ang uniform ko. Hinablot ko ang bag upang maka-alis na. Ang ayoko sa lahat ay ang ganitong drama.

Nilagpasan ko si Trevor ngunit agad nyang nahawakan ang braso ko kaya napatingin ako sa kamay nya na nakadaiti sa balat ko. Pinakiramdaman ko ang sarili.

Wala.


Wala.


Wala na akong maramdaman kahit ni katiting na pagmamahal dito. Pinilig ko ang ulo ko at tumingin sa mga mata nya. Pilit binabasa kung anong iniisip nya. Wasn't he aware that many eyes are looking at him right now? Diba mahalaga sa kanya ang reputasyon niya?

"Pwede bang bitiwan mo ang braso ko?" Malamig kong pakiusap pero mas hinigpitan nito ang paghawak sakin.

"No."

Napataas ang kilay ko sa sagot nya. Ano na namang drama nya sa buhay? Hindi pa ba sya nasisiyahan sa mga pinag-gagawa nya. He's free. Why bother me now?

"Kira." -Trevor.


"Baby!!" - Nathaniel.

Nabaling ang tingin ko sa humahangos na si Nathaniel. Madilim ang mukha nito at ang mga mata ay naging kulay lila.

 Alam ko. Nararamdaman ko ang galit niya. His presence and powerful aura radiates that made everyone whimper and cower in the room.

"Let go." Malamig kong ani kay Trevor. He is fighting Nate's power. Gusto nyang yumukod pero pinipigilan nya ang sarili.

"No." Nahihirapang sagot nito. Alam ko na ang nakatingin sa amin ngayon ay nagugulahan. Ako din naman. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos nya ngayon.

"You heard her. Let her go, Trevor." This time hinawakan na ni Nathaniel ang kanang kamay ko. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak. Iba kami. Sa simpleng paghawak palang ng daliri namin ay nakaramdam na ako ng spark. Gustong gusto kong lagi ang hawak nya.

Hinila ako ni Trevor palapit sa kanya pero hinigit ko ng walang kahirap-hirap ang kamay ko sa kanya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nya gayun din ang mga reaksyon ng mga kaklase ko.

"Trevor, Honey?" Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na si Ashley kasama ang mga aso niya, I mean mga kaibigan nya. Para talaga itong kabute. Sumusulpot nalang bigla kapag nag-uusap kami.

"What happened here?" Parang reynang tanong nito pero yumukod ng makitang nandito si Nathaniel sa loob ng silid. Lumapit ito kay Trevor at nagtatakang tumingin sa amin. Hindi ko na nakita ang sumunod na pangyayari dahil hinatak na ako si Nathaniel palabas ng silid pero pinigilan ulit ako ni Trevor kaya nakita ko ang malakas na pagsuntok ni Nathaniel kay Trevor. 

"Stay away from her, Fucker! Or I swear I'll break your bones. It's not a threat. That's a promise." Galit na banta ni Nathaniel dito habang nakasalampak sa sahig si Trevor at nakahawak sa dumudugong labi. Hinila ulit ako ni Nathaniel paalis.

Nakasunod lang ako sa kanya at napansin kong papunta kami sa likod ng University. Sa paborito naming puno.

Isinandal nya ako sa puno at hinalikan sa labi. Agad ko naman syang sinuklian ng halik at niyakap sya ng mahigpit. I really really love this man. He is made for me. Only for me and he is mine.

"I love you, Veronika." Bulong nito ng maghiwalay ang mga labi namin. Ngumiti ako at tiningnan sya sa mga mata pero kumunot ang noo ko ng makitaan ko sya ng takot sa mga mata nya.

"Nate." Hinaplos ko ang mukha niya.

"Siya ba?" Anito. "Si Trevor ba?"

I sighed and hugged him.

"Yes. He was my mate and he rejected me." Narinig ko ang marahas na paghinga nya. I felt his emotion because he is my Constantine. Nahihirapan ito.

"D-Do you-..." Tigil nito sa nais nyang sasabihin at tumalikod sa akin at tumingala sa langit. "Do you still love him?" Tanong nito na nakatalikod parin. Napa-iling ako at umikot paharap sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya at ipinaharap sakin.

"Nate, listen. I don't love him, okay? What I felt for him was just the pull of the mate bond. Nothing else. In fact, I hate his personality and guts. He's a jerk." Ani ko at tiningnan ang bughaw niyang matang parang hinihigop ako.

"Are you saying that because he rejected you? You sounded bitter." He arched his right brow and looked at me still skeptic. Napatawa ako at hinalikan sya sa pisngi.

"Yes, partly. He bruised my ego. He rejected me. I am a Goddess and a mere werewolf dared to reject a gift from the moon goddess. But I am still thankful though." I caressed his face gently. Nakatingin lang sya sa mukha ko.

"Because you came to my life and we happened." Mahina kong bulong enough for him to hear what I said. "I love you, Nathaniel." After I said that I initiated the kiss.

***

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon