Chapter 18: Spell

10.5K 294 6
                                    

Trevor's POV

"Trevor, ano yun?" Pumiksi ako ng hawakan ni Ashley ang braso ko. Damn! Nasabunot ko ang buhok ko dahil sa sobrang inis at selos! Everything is so complicated. Ang daming humahadlang! Andami kong ini-isip! Sinipa ko ang isang upuan kaya nasira iyon. Rinig ko ang pagsinghap ng iba.

Akin lang si Kira!

Akin lang sya!

"Trevor??!"

I cursed at the back of my mind. Balewala akong umalis palabas ng classroom at hindi na pinansin si Ashley at ang iba pang nakamasid sa amin. Wala akong pakialam. Si Kira ang importante sa akin ngayon.

"Trevor, Baby ano bang nangyayari sayo?!" Nakasunod pa rin ito sa akin pero hindi ko sya pinansin. Patuloy lang akong naglakad papuntang parking lot. I have to talk to my Dad. Ayoko ng magpakasal kay Ashley. Para na akong mababaliw sa kakaisip kay Kira. Akala ko noon, pag natapos ko na syang ma reject bilang mate ko ay mawawala lahat ng koneksyon ko sa kanya pero mas lalong lumakas ang kagustuhan kong makapiling siya. I hissed when I remembered what happened earlier.

Sa akin lang dapat sumama si Kira! Walang dapat umagaw sa kanya! Kahit isang Lycan si Nathaniel wala syang karapatang mamagitan sa aming dalawa. 

At ano yung kanina? Bakit ito galit? Naguguluhan ako. Ano bang meron sa kanilang dalawa? Bakit kung nasaan si Kira nandun rin eto?! At bakit parang iba ang mga tingin na binibigay nila sa isat-isa?! Hindi ako papayag na maagaw niya si Kira!!! Para na akong mababaliw. Hindi na ako kinakausap ni Aris simula ng saktan ko si Kira. Alam kong nanghihina na ako. Hindi ako makapag shift ng wolf form ko. Ang kailangan ko ngayon ay si Kira.

"Trevor ano ba?! Tumingin ka nga sakin!"

"Will you please shut the fuck up?! Shut up! Shut up! Shut up!" Hindi ko na napigilan ang galit ko at humarap kay Ashley. I'm so fed up about everything! I'm so frustrated and stressed! Nanginginig ako sa galit. Gusto kong pumatay. Nakitaan ko sya nang takot sa kanyang mga mata but my mind is full of rage. Gusto kong magwala. Alam kong si Kira lang ang may kakayahang pakalmahin ako. Nanginginig itong nagtangkang hawakan ako sa kamay pero itinaas ko ang kamay ko.

"Wag mo akong hawakan!"

"Trevor ano ba ang nangyayari sa yo?"

"Ayoko na. The wedding is off." Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis agad ako. Wala na akong pakialam kahit nagsisigaw na si Ashley sa pangalan ko. Agad kong hinanap ang kotse ko at pumasok duon. Gusto kong matuldukan kung ano ang kagaguhang pinasok ko. Simula pa lang, I made a mistake of hurting Kira. She's my mate for christ sake! 

I drove back to the pack house and barged on my Dad's office. Galit itong tumingin sa akin pero walang takot na tinitigan ko sya sa mga mata.

"Ano tong nalaman kong ginawa mo Trevor?!" Galit na bungad nito sa akin. Alam kong alam nya na ang nangyari kanina.

"Ayoko na, Dad. Ayoko ng pakasalan si Ashley." Matigas kong sabi.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?!" Sigaw nito kaya mas nagalit ko.

"Yes! I know what I am doing and I am doing the right thing!"

"Right thing?! Yan ba ang right thing na sinasabi mo, Trevor?! You are risking hundred of lives just because of what you did! Alam mo bang galit na galit ang ama ni Ashley dahil sa pagpapahiya na ginawa mo sa anak nya???! You know how much we need the numbers of fighter in this pack Trevor!!" Humakbang ito papalapit sa akin. "You are the Alpha of this pack! Nagiging selfish ka!"

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon