Chapter 42: Jealousy

7.6K 232 27
                                    

Kira's POV

"Hey, Babe. Nandito ka lang pala. I've been looking all over the place for you." Narinig ko ang boses ni Nathaniel na pumasok sa pinto pero hindi ko sya pinansin.

"Why are you silent?" Pukaw ni Nathaniel sa aking pagmunimuni pero hindi pa rin ako umimik. 

"Are you mad?" Masuyong tanong nito pero wala pa rin akong imik kaya't napabuntong-hininga sya. "You're mad."-

"Hindi ako galit." Agap ko.

"Then why are you not talking? It's been three days that you're so off and distant, Babe. What's bothering you?"

"Kapag hindi umiimik galit na ka agad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang, Nathaniel?" Taas kilay kong saway pero sumimangot lang sya sa akin.

"Love, ayokong tinatawag mo ako sa pangalan ko. Kahit mag away man tayo, Love, Baby or Babe. Yan lang ang itatawag mo sa akin."-

"May nangyari na ba sa inyo?" Agad na tanong ko na ikinabigla nya.

"Babe."-

"Don't make me repeat it again, Nathaniel." Seryoso kong banta at tiningnan sya sa mga mata. I heard his heart raced. Napalunok sya at iniwas ang tingin sa akin. This question is really ticking on my mind for how many days after my encounter with Hashim.

"L-Love."-

"May.nangyari.ba.sa.inyo?" Malamig at madiin kong tanong. Gusto kong marinig na sa kanya mismo manggaling kahit na parang alam ko na ang sagot.

"M-Matagal na p-panahon na y-yun, Baby."

Napapalatak ako.

"So, anong gusto mo? Ang magsaya ako at magpaparty dahil matagal na panahon na pala yun?" Nang-uuyam sa galit kong tanong.

"Babe, hindi pa kita nakikilala noon. I was young, naive and adventurous. I was not thinking right at that time. Curiosity got me. I was reckless and stupid. Please, understand me." He reasoned out pero napangisi nalang ako. Kitang-kita ko kung paano sya parang sinisilihan sa kinatatayuan nya habang naka-dekwatrong upo ako at nakahalukipkip.

Napahalakhak ako at pumalakpak.

"And that's all your invalid reasons?" Umiling ako at nakaramdam ako ng disappointment. I know, dapat hindi ko na inuungkat ang nakaraan nya. Labas na ako doon. But damn! Ang sakit lang kasing marinig at malaman. I don't know if pregnancy hormones lang ba ito o sadyang baliw lang talaga ako dahil pati sa nakaraan nila ay nagseselos ako.

Normal pa ba ito? Ang babaw ko ba?

"Love, please. Don't look at me like that." Lumapit sya at hinawakan ang kamay ko pero winaksi ko lang ito. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Don't touch me!"

"Baby, wag ka ng magalit please.That was all in the past. Maniwala ka naman love oh, please."

"Ilang beses na may nangyari sa inyo?" Ewan ko pero parang ang tanga naman ng tanong ko. Pati ba naman yan itinanong ko pa talaga. Pero gusto kong malaman kahit masakit. 

Kahit noon pa yun.

"Baby, please don't do this." Nagsusumamong anas nito pero nagmatigas ako.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon