Chapter 13: Sample

10.6K 317 5
                                    

Kira's POV

"Hoy! Wag ka ngang sobrang sweet dyan! Nilalanggam na tayo, ano ba." Saway ko kay Nathaniel at kinurot ang ilong niya. Hinatid nya ako sa P.E class namin. It's been 4 days since he revealed his true identity to me and I felt nothing but pure happiness. Kinikilig parin talaga ako at ang lakas nyang humarot. Hihihi.

"Masanay ka na. I've been waiting for this time to happen. Imagine, 30 years akong nakatingin lang sayo sa malayo, di ka malapitan o makausap." Nakatingin lang ako sa kanya habang titig na titig ito sa mukha ko. Namula na naman ang pisngi ko. "You're blushing!"

"Tse!" Ingos ko dito habang patuloy sa paglalakad patungong P.E hall. Ang lakas talaga nitong mambuska. "Oh, sya sige na. Umalis ka na. Andito na tayo. I'll just text you later, okay?" Ani ko pero nakatingin parin sya sakin.

"W-What?"

Umiling ito atsaka ngumiti. "Wala naman. See you later, Baby." He smiled and kissed me on my forehead. "I love you." Ang bilis ng tibok ng puso ko. My cheeks are getting red and I can feel it. I cleared my throat.

"U-Uhm, okay? See you later." Shit! Hindi parin kasi ako sanay na tinatawag nya akong Baby or everytime that he'll do and say sweet things to me. "Sige na. I'll go ahead." Ngumiti ako at binitiwan na ang kamay niya.

Naglakad ako papunta sa loob ng hall at nag antay na magsimula ang activity.

Rinig ko ang mga pinagsasabi ng mga classmates ko. Kesyo malandi daw ako dahil nilalandi ko raw si Nathaniel.

Kesyo pangit daw ako at walang karapatang dumikit kay Nathaniel. Naririndi na ako sa paulit-ulit na mga sinasabi nila. As if naman maganda sila.

"Hoy, nerd!" Untag sa akin ng isang babae sa harap ko. May back up pa syang apat na kasama sa likod.

"Yes?" Sagot ko sa kanila. Pero binatukan niya ako ng malakas. Walang umawat sa amin. Nakatingin lang silang lahat. Nakatikim na naman ako ng sampal.

"Layuan mo si Nathaniel! Akin sya!" Galit na sabi nito. Naikuyom ko ang kamao ko. How dare you claim Nathaniel! He's mine!

I growled so loud. Nanlaki ang mata ng mga kaklase ko pati na rin silang lima na nasa harap ko.

"A-Ano? Lalaban ka na ha?!" Sinampal niya ulit ako tapos tinulak-tulak. Tatayo na sana ako para lumaban ng may humarang sakin.

"Umalis nga kayo dito sa harap ni Kira! Wala na ba talaga kayong magawang maayos?! ALIS!" Napatingin ako sa may-ari ng boses. Isang magandang babae. Classmate ko sya pero hindi ko alam ang pangalan niya. Agad na nagsialisan ang mga babae sa harap ko.

"Pasensya na po kayo, Kamahalan." Sabi nito ng makaharap sya sa akin tapos bigla syang yumukod.

Agad kong pinatigil ang oras bago paman may makarinig at makakita dito. Everyone are not moving around.

"Stop. Don't bow down at me." Matigas kong wika. "Tell me who you are and what you know." Ma autoridad na sabi ko. Nakitaan ko ito ng takot.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon