Chapter 5: Mad

10.6K 378 121
                                    

Kira's POV

Dito parin ako sa dating kahoy sa likod ng University nakatambay. Buti nalang at hindi ito nasali sa mga natumba. Nagpapahinga ako habang nakapikit.

"Ama, bakit po ba ang hirap maging mabait?" Bulong ko sa hangin.

"Bakit ba kasi hindi ka lumalaban?" Napadilat ako ng may marinig akong boses. Nakita ko si Nathaniel.

Nasa kabilang puno din siya katabi kung saan ako ngayon. Hindi ko sya namalayan kasi andaming gumugulo sa isip ko.

Namula ang pisngi ko ng magtama ang mga mata namin. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Para talaga akong hinihigop ng mga mata nya.

Kunwari ay wala akong pakialam at nahiga ulit.

"Hey!" Untag nya sakin.

"Oh?"

"Ang sabi ko bakit ba kasi hindi ka lumalaban sa kanila?" Nakahiga rin ito sa malaking sanga katulad ko.

"May laban ba ako?" Kunyaring tanong ko.

"Tss. Ewan ko sayo, Kira." Ani Nathaniel.

"Bat ba nakikipag-usap ka sa akin? Hindi ka ba na we-weirduhan sa akin? I'm a nobody and an outcast. Hindi ka ba nahihiya na nakikipag usap ka sa isang nerd na katulad ko at pangit?" Tumingin ako sa langit.

"I live in this world for almost 400 years and I am already matured enough for that, Kira." Seryoso nitong sabi. Napamaang ako

"Di nga?" Nanlalaki ang mata ko dito. Good to know hindi lang pala ako ang matandang hukluban dito.

"Yup." Sabi nito while popping the P.

"Sabagay. Lycans are the direct descendants of moon goddess. You were all given the gifts of immortality but unfortunately, wala kayong mate, diba?" I probed.

Hindi ito nagsalita. Nakapikit lang ito. Kaya hindi ko nalang siya inistorbo kasi gusto ko rin ng katahimikan.

Werewolves are no match with Lycans. They were treated nobility in the werewolf realm. Mas malakas sila sa normal na werewolf, mas matalino, mas gwapo, maganda at mas pa sa lahat ng antas na mayroon ang isang werewolf.

They are a killing machines when provoke kaya dapat hindi mo talaga sila ginagalit.

"We don't, but we have a Constantine." Narinig kong mahina niyang bulong pero dahil sa enhanced hearing ability ko ay narinig ko parin yun ng klarong-klaro.

"Constantine, what? Ano yun?" Na curious ako, eh.

"Tss. Chismosa ka rin pala, Kira noh?"

"Teka nga, kanina ka pa Kira ng Kira, ah. How did you know my name?" Namamanghang tanong ko. Tiningnan ko ito pero ganun parin ang ayus nya simula pa kanina.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon