Chapter 51: Bearer

7.3K 200 18
                                    

Nathaniel's POV

Agad na napatayo ako ng makarinig ako ng iyak ng sanggol. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako para pigilin ang sarili kong pumasok sa loob. Masyado akong sabik na makita ang anak namin.

Napalunok ako ng maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng delivery room. Inuluwa niyon ang pack doctor ng nakangiti.

"It's a safe delivery. You can now see them, King. Congratulations!" Anito kaya wala akong sinayang na oras at agad na pumasok sa loob. Nakita ko si Kira na kalong-kalong ang anak namin sa mga bisig nya.

My heart melts at the sight of her. She's the mother of my child. My beautiful Constantine.

Nag angat sya ng tingin at ngumiti ng makita ako.

"Come closer, Love. Look at her, she's too small." She whispered. Agad na napangiti ako sa narinig. So it's a girl! Lumapit ako at agad na kinantalan sya ng halik sa labi. Walang kalalagyan ang saya ko ngayon.

Our first born is a girl! She's another version of her mother.

"C-Can I carry her?" I asked and she nodded willingly. Agad na tumulo ang luha ko ng makarga ko na sya. "She's beautiful. Kamukha ko sya. Hi, Baby! Daddy's here." Nilaro ko ang maliit nyang kamay.

"Oh, don't cry, my Love." Nakangiti niyang sabi kaya hinalikan ko sya ulit.

"I love you so much! I'm so proud of you, Love. Thank you for this wonderful gift of life."

"I love you too, Babe."

Napatingin ako sa mukha ng anak namin. God! It feels surreal!

May anak na kami ngayon. Parang kailan lang. Parang kailan lang na hanggang tingin lang ako sa kanya sa malayo. Parang kailan lang na nagpipigil akong lapitan sya at ipakilala ko ang sarili ko. Parang kailan lang na kailangan ko pang patagong bigyan sya ng mga bulaklak noon. Parang kailan lang na kailangan ko pang magpanggap bilang isang waiter, delivery boy at sales man para lang makausap sya kahit sandali.

Parang kailan lang.

Kay tagal ko syang hinanap. Kay tagal kong nag antay. Andaming nangyari, problemang dumating, mga taong humadlang pero ngayon, hawak ko na ang bunga ng aming pagmamahalan.

I have now our beautiful daughter in my arms. The long wait was so worth it.

"What should we name her?" Tiningnan ko si Kira at umupo sa gilid ng kama nya. Nag-isip muna ito habang nakatitig sa anak namin.

"Hestia." She whispered.

"Hestia Amelie Young." I said and she beamed widely.

"That's a beautiful name, Love."

"For our beautiful daughter." Sagot ko. I kissed her again. "Thank you, Baby."

"Family picture!" Naagaw ang pansin namin ng pumasok si Leira dala ang DSLR nya. Agad na ngumiti kami ni Kira sa camera habang hawak-hawak ko si Hestia.

Pumasok naman sina Mommy at Daddy at agad na tumingin sa kalong-kalong kong sanggol.

"What's the gender?" Excited na tanong ni Leira.

"It's a girl." Sagot ni Kira ng nakangiti.

"Oh my Gods! She's beautiful!" Mom exclaimed. She asked me if she could carry Hestia kaya binigay ko. Tumabi naman ako kay Kira pagkatapos.

"How are you, Baby?" Hinagod ko ang kanyang noo at tiningnan nya ako sa mga mata.

"Still painful down there." She pouted.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon