Chapter 48: Cruel Wrath

7.6K 211 25
                                    

Hashim's POV

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para na akong mabibingi sa tunog nito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Nanginginig ako dahil sa magkahalong sakit at takot dahil sa babaeng kaharap ko. Namumula na ang buo kong mukha dahil sa sakit na dulot sa buo kong katawan. Para akong sinusunog ng buhay.

A-Akala ko... Akala ko wala ng makakapigil sa akin na tuloyan nang maangkin si Nathaniel. Napalunok ako sa kaba habang tiningnan ang kabuohan ni Veronika.

Isa syang napakagandang demonyo ngunit nakakakilabot ang totoo nyang anyo. I never really expected this to happen. Shit! I never really expected that she is really this powerful. Para akong bumangga sa pader. Wala akong kalaban-laban sa kanya. Para akong langgaw at sya ay isang kalabaw.

I thought I have the upperhand. Akala ko wala ng sinuman ang makakapaglayo sa akin kay Nathaniel. Akala ko hinding-hindi nya na kami masusundan dito. Wala ng makakapag hiwalay sa amin dito. Damn! We are even inside his dream! Who would have thought that she can even follow us here?!

Shit! Akala ko lang pala! Ang lahat ay isang maling akala! Nagpadalus-dalus ako sa mga maling desisyon!

"Mamili ka. Your life or the lives of your family." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nangangatal ang buo kong katawan. "Choose wisely, Hashim." I gulped inwardly. She's this cruel behind that angelic facàde. She's a real demon, indeed.

Nakita ko ang pamilya ko sa loob ng dungeon. Puno ng paghihirap ang mga mukha nila. Lahat sila ay sumisigaw ng tulong. Ramdam ko ang paghihirap nila dahil ganun din ang sakit na nararamdaman ko.

"G-Gaganti ako." Matapang kong usal pero humalakhak lang ito habang pinapalibutan ako.

"Gawin mo, Hashim. Nakaka-isa ka pa lang, nakasampong ganti na ako sayo." Anito. Umusbong ang takot ko ng magpalabas sya ng asul na apoy sa kanang kamay niya.

"You know what's the difference between the blue flame and red flame, Hashim?" Tanong nya kaya napalunok ako. Of course, I know it! "The blue flame is hotter than the red." Ngisi nito. "Didn't I promised to give you a painful death? I intend to keep it, Hashim. I always keep my word, Dear." She's taunting me slowly and it drives me crazy!

Napaatras ako ng upo. Pinilit kong makatayo pero nanginginig ang tuhod ko kaya napasalampak ako sa sahig.

"You're pathetic, Hashim. Look at you now. How is the mighty Hashim now?" Sarcastic nyang tanong. "Still feeling mighty?" She grinned.

"A-Ang dami mong sinasabi! If you want to kill me, then kill me now!" Sigaw ko pero ang totoo nyan ay sobrang takot na takot ako. I don't want to die yet!

"Oops! Still feisty I see. But, why do I smell fear, Hashim? Are you afraid of what I will going to do?" Humalakhak ito ulit kaya kinilabutan ako. "I still have some exciting surprise to do. I want you to see my surprise for you. Killing you is too easy, Hashim. I can kill you in just a snap of my fingers. But, where is the fun with that? I want to torture your body and soul slowly until you beg and beg for your own death."

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagpalabas ng apoy yung babaeng nagbabantay sa akin sa dungeon gamit ang kamay nito kaparehas ng kay Veronika.

"A-Anong gagawin nyo?! Stop! Stooop!" Naghi-histerya kong sigaw. Para na akong mababaliw dahil wala akong magawa. Panic covered my entire being.

"A-Ako! Ako! Ako! Choose me! Kill me! Please! Please Just not my family!" Para na akong mababaliw sa nangyayari. Hindi ko matagalan tingnan ang paghihirap ng buong angkan ko. My brothers and sisters are there. My Mom and Dad are there. My aunts and uncles are there. My Grannies are there and even my cousins! My whole clan are all present!

"Wrong answer, Hashim." Ngisi nito. "You see, that is my Mother, Melinoe. Her flames are from the pits of flames of Tartarus." Nahintatakutan ako sa narinig. Hindi pala talaga ito basta-basta! "She can produce a hellish fire as she is the daughter of Persophone." Inu-unti-unti nya ako. Masyado nyang pinapatagal ang paghihirap ko. Pinupuno nya ng takot ang katauhan ko.

"Taste how I manifest my cruel wrath, Hashim." She teleported and whispered in my ear.

Napasigaw ako ng iumang ng nakangising Ina ni Hashim ang apoy sa natutulog kong katawan.

"Look how your family reacts as they witness how my Mom burns your useless body." Humahalakhak nitong ani.

"N-Noooooooo!!!" Sigaw ko dahil unti-unti akong nakakaramdam ng kakaibang init at sakit na hindi ko maipaliwanag. Sumigaw ako sa tindi ng nararamdaman kong hapdi. Narinig ko ang sigawan, hiyawan at iyak ng pamilya ko habang sinusunog ang katawan ko. Napakasakit sa dibdib na marinig ang pagtangis nila habang iniinda ko rin ang sakit sa buong katawan ko. "Aaaaaaaah! Ang saaaakittt!!"

Napagapang ako dahil sa sakit. Ramdam ko ang lapnos ng init sa buo kong katawan. Kinakapos ako ng hininga. Ilang minuto rin akong nagsisisigaw dahil sa pagsunog ng katawan ko hanggang sa naramdaman kong unting-uniting nawawala ang sakit at hapdi. Narinig ko ang pagpalakpak ni Veronika.

"I'm still not done yet, Hashim." Ngisi nito. Masyado na akong nanghihina. "You can't go back anymore in the mortal realm. Abo nalang ang natitira sa katawan mo. You're now dead." She smirked. "Pain."

Hindi pa man ako nakaka-recover sa sakit kanina ay panibagong paghihirap na naman ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko wala ng mas maiisasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

At nawala na naman ang sakit ilang minuto ang lumipas. Sobrang nanghihina na ako. I can't take any maximum pain anymore.

"Look at how devastated your family is, Hashim. That's what you get from messing with the wrong person. I told you not to test me." Anito. Para na akong mabibingi. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ko.

"K-Kill me already." I whispered.

"Not yet." Anito. "Tingnan mo kung paano ko tatapusin ang pamilya mo."

Napaluha ako sa narinig. Napapikit ako habang yumuyugyog ang balikat. "Look.at.them." Utos nito at hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil kusang sumusunod ang katawan ko sa utos niya. Pinitik niya ang daliri nya at nakita kong sila na naman ngayon ang sinusunog ng Ina ni Veronika.

Walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang tinitingnan kung paano nito sunugin ang buong pamilya ko. Napakuyom ako sa sa kamay habang tumatangis. Our memories together lingers in my mind. Magkasama kami ilang daang taon ang nakalipas. We came from the royal witches but even with that tittle I can't withstand with Veronika. She's too powerful and cruel. Hindi ko inaasahang dito kami matatapos lahat. Ang sakit, sakit!

"Crying, Hashim?" Panunuya nito.

"K-Kill me now. I'm begging you. End my s-sufferings." Nanghihina kong bulong.

"Uh-uh.. Not until I say so." She smirked evily. Kinabahan ako ulit ng iminuwestra nito ang kamay at nagsalita ng ancient language. Naninigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Bumulaga ang isang portal.

"You see that? That's the portal of your new home, Hashim." Ngisi nito. "That's the pits of Tartarus." Natatakot na naman ako dahil natikman ko na kanina kung gaano ka init ang apoy dun.

"You will gonna live there forever, Hashim. Your soul will forever suffer. You will forever feel pain and regret. I will burn your soul again and again. That's what you get from stealing my man." Madiin nitong bigkas. Napatingin ako kay Nathaniel na seryoso lang ang tingin sa amin.

Napakagwapo ng mahal ko. I've loved him eversince we were kids. Inalagaan ko ang pagmamahal ko sa kanya ng ilang taon. Akala ko mahal niya ako. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Ang saya ko nuon ng ipinaramdam nya sa akin na isa akong babae. He worshipped my body again and again pero biglang nagbago ang lahat at hindi ko alam kung bakit. Dun na ako nagsimulang maging baliw sa kanya. I can't let go of my feelings for him. I love him too much.

Mali bang magmahal?

Bakit hindi ako ang pinili nya?


May mali ba sa akin?


Pumikit ako at hinintay kung ano ang kahahantungan ko sa portal na sinasabi nito.

****

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon