Chapter 29: Beauty

9.3K 294 24
                                    


Kira's POV

"Finish or not finish, pass you paper!" Malakas na sigaw ni Sir Makasukol. Physics time na naman namin pero naninibago ako dahil iilan nalang ang kumakalabit sa akin para manghingi ng sagot. Tanging ang Dark Moon at Silver Moon Pack nalang talaga. Ang pack members ni Trevor ay naging ilag na ilag na sakin.

May humablot sa buhok ko ng makalabas na si Sir. Napalingon ako. Gustong tumirik ng mga mata ko ng makitang mga babae na naman.

"Ang landi landi mo talaga! Una si Nathaniel! Ngayon naman pati si Trevor ang nilalandi mo habang wala si Nathaniel dito! Aba't grabe naman talaga ng self confidence mo? Hindi ka ba nananalamin, ha?!" Tinulak nito ang noo ko. May isang sumampal sakin. Napapikit ako. Gusto ng kumawala ang kademonyohan ko pero pinigilan ko ang sarili ko. I kept reminding myself that they are weak. I have to control myself not to burst.

"Nasaan na ang malanding babaeng yun?!" Napalingon ako sa sigaw ni Ashley. Maraming werewolves ang nakiki-usyuso na sumusunod dito. Shit! Bakit ang hilig hilig nilang mag eskandalong lahat?

"So, andito ka pala." Galit na sigaw nito at hinatak ang buhok ko palabas ng classroom. Jusko! My patience is wearing thin. Dinala ako ni Ashley sa gitna ng field ng University. Maraming studyante ang nakatingin samin. Sinipa nya ako at ngingudngod ang mukha ko sa lupa. I balled my fist.

"Ang landi landi mo! Akin si Trevor! Akin lang sya!" Sigaw nito habang sinasampal nya ako. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko.

"Ashley!" Tumigil si Ashley at humarap kay Trevor.

"Dito mo ako pinagpalit Trevor? Sa pangit na'to?!" Sigaw nito at sinipa ulit ako.

"Ashley, tumigil ka na!" Hinila nito si Ashley palayo sa akin at pinatayo ako.

"See?! Mas kinakampihan mo na ang babaeng yan kaysa sa akin na magiging Luna mo!" Hinila nya ulit ang buhok ko pero pumagitna si Trevor. Bwesit! Parang ako pa ang kabet dito.

"Tumigil ka na Ashley." Trevor plead but Ashley just brushed it away.

"No! Ako pa talaga ang tumigil? Everything was planned out well Trevor until that ugly bitch came tapos ano? You cancelled the ceremony? Tapos malalaman ko nalang na ipinagpalit mo ako sa malanding pangit na yan? I didn't know pangit na pala ang taste mo ngayon! Or you!" Tinuro nya ako. "Ginayuma mo si Trevor!" Sigaw nito. I've had enough of this drama. Tumalikod ako at iniwan silang lahat.

"Hindi pa ako tapos sayo, Kira!" Sigaw nito pero di ko sya pinansin. Hinarangan ako ng mga tuta ni Ashley. Napapikit ako. The air started to get chilly. The sky turned into gray.

"Kaya pala naakit mo si Nathaniel dahil malandi ka. Waging-wagi ka na nga balak mo pa ring agawin si Trevor sa akin. Isa kang babaeng makati na kung kani-kanino lang nagpapakamot hindi ka naman kagandahan!" Humarap sya sakin at hinawakan ang mukha ko. I breathed. Ayokong pumutok ngayong ang galit ko. Konting tiis pa. Thankfully my wound quickly healed as if nothing has happened.

"Ano bang ipinagmamalaki mo? Anong nakita nila sayo? Itong pangit mong buhok? Itong basag na eyeglasses mo? Yang makapal na kilay mo? Pango mong ilong?! Ano?! What's so special about you?!" Sinampal nya ulit ako kaya napatabingi ang mukha ko. I heaved a deep sigh.

Hinarap ko si Ashley at tiningnan sa mata. Sninampal ko sya ng malakas. "Kanina ka pa paulit-ulit sa sinasabi mong pangit ako. Naririndi na ako sa mga sinasabi mo, Ashley." Pagkasabi ko nun ay hinubad ko ang suot kong wig at nalantad ang kulot-kulot at mahaba kong buhok. Natigilan ito at ang lahat ay natahimik sa ginawa ko.

"Ano pa bang bago sa mga naririnig ko araw-araw? Na kesyo pangit at malandi ako?" Sabi ko pa din habang itinapon ko ang suot kong eyeglasses at kinuha ang lahat ng prosthetics sa mukha ko. I heard gasps everywhere. I saw Ashley's eyes widened. Hinubad ko ang suot kong jacket at lumantad ang balingkinitan kong katawan.

"Finally. I got rid of it." I smirked at her. "Now, you see me. Any comments?" Binangga ko ang balikat nya at umalis sa gitna ng field. I know everyone were shocked to see my true face. Kusa na silang humawi pag dadaan ako. They were too shocked to even react.



Trevor's POV

Tama ba ang nakikita ko? Bakit simula ng managinip ako kay Moon Goddess lahat ng nangyayari ngayong araw ay parang hindi totoo. Parang isang panaginip na mahirap paniwalaan.

Hindi ko maiwas ang paningin ko kay Kira. She is perfectly shaped into a Goddess beauty that no she-wolf in this community can even compare.

And just then I completely realized of how a complete fool I am of letting someone slipped in my hand so easy. Nahilamos ko ang mukha ko.

Parang gumulo lang lalo ang isipan ko.


***

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon