Chapter 52: Alpha

7.8K 203 12
                                    

Kira's POV

Everything falls perfectly. I have Nathaniel and Hestia, Nathaniel's family and mine and of course the people of the Palace with me. They are all really supportive.

Nakangiti ako habang nakatingin kay Nathaniel na nakikipaglaro kay Hestia. She's 9 months old now and she's learning how to walk already. Time really flies so fast! Parang kailan lang nung nalaman kong buntis ako. Napakaraming nagdaan na problema pero heto ako ngayon at malayang-malaya na.

Nate has become a really good father. Ni hindi ko na nga minsan nahahawakan si Hestia unless kung gusto na nitong dumede sa'kin.

"M-Ma..ma!" Hestia blabbed then giggled. Natuwa ako kaya lumapit ako sa kanila.

"Did you heard it, Love? She said Mama again!" Natutuwang bulas nito. Napailing ako at hinalikan ko silang dalawa sa pisngi. Nakakagigil!

"Of course. Say it again, baby. Ma-ma." Kinuha ko si Hestia at kinarga. Tawa sya ng tawa kaya't ang puso ko ay parang lumulutang sa tuwa.

"Mamamamamamamammmm.."

"Say, Da-da!" Pag-uudyok ni Nate sa tabi ko.

"M-Ma..Mamamaah!"

"Da-Da."

"B-Ba..Bah! Ma..M-Mah!" Baby blabbed again. Natawa ako dahil sumimangot si Nathaniel.

"When will I ever hear her say Dada?" Malungkot nitong ani. Nginitian ko sya at ibinigay si Hestia sa kanya. Agad nya naman itong hinalikan sa pisngi at hinarot kaya tawa ng tawa ang anak namin.

"She will eventually learn that and by that time, she will be nonstop calling you Dada. So be ready for that day because she will be your annoying parrot." I grinned.

"I can't wait!" Excited nitong sagot.

"U-huh! So, wait and see because she has a lot to learn." Niyakap ko sya sa bewang habang karga-karga nya si Hestia.

Ahh! This is life!

"Did you told Leira about your plans tomorrow?" Tanong ni Nathaniel. Tumango ako.

"Yeah, she said she'll take care of Hestia tomorrow. Alam mo naman yun kapag pamangkin na nya ang pinag-uusapan. Halos hindi na nga nya isina-sauli sa atin itong magandang baby natin, eh." Kinurot ko ng mahina ang pisngi ni Hestia. My baby is so adorable! Habang lumalaki sya ay mas nagiging kamukha nya ang Ama nya. She is Nate's female version and I am not even complaining. Tanggap ko na na hindi nya ako kamukha and I love staring at her father's face. So whats to complain, right? Nathaniel chuckled at what I said.

"Yun pa. Napakahilig nun sa bata. You know how she loves going to any foundations and orphanage. Ito pa kayang sarili nyang pamangkin." Sumang-ayon ako. Leira has not found her Constantine yet but she said, she's not in a hurry.

"Hindi ka ba talaga sasama sa akin bukas?" Paglalambing kong sabi pero umiling ito kaya napasimangot ako. "Why?"

"I can't, My love. Council meeting." Apologetic nya akong tiningnan kaya napatango ako kahit medyo nalulungkot.

"Alright." Pagsuko ko. Naramdaman ko ang paghalik nya sa sentido ko kaya napangiti na ako.

"I love you." He whispered.

"Ditto, Baby." Hinalikan ko sya sa balikat at nakangiting tiningnan silang dalawa ni Hestia. I feel so happy and contented with my life now.

Noon, ang gusto ko lang ay maging malaya. Gusto ko lang na mahanap ang nakatakda sa akin at angkinin ako para hindi na ako pag-agawan ng dalawang kaharian. But now, I can't imagine my life without Nathaniel.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon