Chapter 26: Dream

9.5K 264 18
                                    

Trevor's POV

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Trev—" He chuckled.

"Joke." Nakangiti nitong ani pero alam kong hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting pinakawalan. May lungkot at paghihinayang akong nakikita sa mga mata nya. He sighed heavily. Enough for me to feel his pain. 

Jokes are half meant, Dude!

"I guess hanggang dito nalang talaga tayo. I'm sorry for choosing my pack over you, Kira. It's really hard to choose," He sighed. "But they need me more." Malungkot na pahayag nito.

Kinapa ko ang damdamin ko sa narinig. Yes, naaawa ako sa sitwasyon nya. Pero wala. Wala talaga akong maramdaman na paghihinayang. "Sige. Alis na ako. Salamat sa ora.."

"Trevor." 

"I know. Don't be sorry. Kasalanan ko naman talaga." He caressed my cheeks as if he's memorizing every corner of my face. Ngumiti ito ng mapait. "l know mas magiging masaya ka kay Nathaniel. He will protect and love you. In that way, I can feel assured that no one will hurt you kahit wala ako sa tabi mo. Pero pag sinaktan ka nya, kukunin kita dahil baka para sa akin ka talaga." Ramdam ko ang sinseridad nya sa sinasabi.

"Be happy." Yan lang ang nasagot ko sa sinabi nya. Ngumiti ito ng pilit.

"You're my happiness, Kira. Oo, gago ako kasi pinakawalan kita. Kung sana iba lang talaga ang sitwasyon natin pero kasi..." Tumingala ito sa langit na parang nahihirapan. "A-alam kong marami ang mapapahamak pag sinunod ko pa ang puso ko..." Nakita kong kumuyom ang kamao nito. I bit my lips because of guilt.

"I tried fighting for us pero hindi talaga pwede. Namatay and Mommy at kapatid ko nung subukan kong magmatigas sa desisyon kong p-piliin ka. A-Ayokong pati ikaw sa mga susunod na araw ay madamay rin sa pagiging makasarili ko." Tila may bikig sa lalamunan nito bigkasin ang huling linya. Hanggang sa umalis na ito.

I sighed. I should have done something. Alam kong may mali din ako. I was Trevor's mate. Kung sinabi ko sa kanya noon kung sino talaga ako that would have been prevented. Pero wala na. What's done is done.

Tinago ko rin kung sino ako dahil ayokong basta-basta lang akong gamitin ng sinuman. Ayokong basta-bastang magtiwala.

I closed my eyes and sent a message to my godmother.


Trevor's POV

"Trevor."

Kumunot ang noo ko habang nakapikit. I hummed.

"Trevor."

Dahan-dahan akong dumilat. Napapikit ako ulit dahil sa liwanag.

Sobrang maliwanag.

Nakakabulag.

"Trevor." Tawag ulit ng isang tinig na nagmumula sa liwanag. Idinilat ko ulit ang mga mata ko at nakita ko ang pinaka magandang lugar na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid.

Paraiso.

Isang paraiso.

Patay na ba ako?

Yan ang tanong sa isipan ko. Luminga ulit ako sa tumawag sakin.

"Trevor."

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon