Chapter 7: Search

10.7K 345 36
                                    

Kira's POV

KANINA ko pa napapansin ang mga titig ng grupo ng mga Lycans. Pasimple lang nila akong tinitingnan pero hindi ito nakawala sa sensitibo kong pakiramdam. Hindi ako nagpahalata. Nakita ko si Nathaniel na nagbabasa ng libro kaya agad na namula ang pisngi at taenga ko ng tumingin sya sa gawi ko. Ang lakas talaga ng dating nya.

Ugh! Parati nya nalang akong nahuhuling nakatitig sa kanya!

Binawi ko ang tingin ko at patuloy lang na nag lakad papasok ng silid namin ngunit walang katahimikan dito dahil sa wala pa ring humpay na pasaring. 

Nakakasawa na.

Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo nila sa akin. Hindi ko naman sila ina-ano. Binalewala ko nalang at dumiretso ng upo sa pwesto ko.

Umubob ako at pumikit. Tss! Mga isip bata talaga.

"Miss Consunji." Narinig kong tawag ng prof namin na si Mr. Makasukol. Umayos ako ng upo.

"Po?"

"Exempted ka na sa exam natin sa Calculus ngayon. Ikaw lang naman ang parating nakaka perfect score sa quizzes at mga board works ninyo." Aniya.

Tumango nalang ako dito at tahimik na lumabas ng silid. Alam kong nawawalan na ng pag-asa ang mga kaklase ko kasi wala silang makokopyahan.

"Class, 2 seats apart! Wag kayong magkakamaling mangopya dahil set A, B, C, D ang ibibigay ko sa inyo. Wag na wag nyong gagamitin ang mind link nyo dahil malalaman ko yan at automatic, bagsak kayong lahat. Show your solution at may points pag ginamit nyo ang scratch paper niyo. Kahit isa lang sa inyo ang magkamali, kayong lahat ang paparusahan ko. Nagkakaintindihan?" Ma-autoridad na sabi ng Prof namin. Napangisi ako.

Buti nga sa kanila! Sabi ni Amira at ngumiti ako.

Panay reklamo nila pero hindi nagpatinag si Sir Makasukol. Yun pa eh! ang bagsik nun!

May klase na ang lahat ngayon kaya wala ng mga studyante sa hallway. May naramdaman akong malakas na enerheya na paparating sa University.

Mga demonyo Kira! Parating sila dito! Alertong sabi ni Amira ngunit hindi ako nabahala. 

Tumahimik lang ako at ipinikit ang aking mga mata upang i-kompletong itago ang lahat ng aking aura at palitan ito ng isang huwad. Kumpyansa akong hindi nila makikilala ang mukha ko dahil hindi pa naman talaga nila ako nakikita kahit noon pa man.

Umupo ako sa bench at kunwari ay nagbabasa ng libro habang inaantay ang kanilang pagdating.

Umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin hanggang sa mabasag ang mga bintana. Ang langit ay naging makulimlim. Naghalo ang dilim at pula sa kulay ng langit hanggang sa may lumabas na demonyo sa bumiyak na lupa.

Normal na para sa akin ang makakita ng ganito kapangit na nilalang. Malaking sungay, buntot na mahaba, nanlilisik na pulang mata, dilaw na pangil at mataas ang leeg. 

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon