Chapter 35: King

9.5K 338 53
                                    


Kira's POV

I felt that my body is reacting to the moonlight already. Nararamdaman ko nang malapit ng sumapit ang blood moon. When I opened my eyes I saw my Mom and Dad looking at me with pride in their eyes.

My mom rushed to hug me first.

"Ang anak ko. Magiging ina ka na rin!" Napangiti ako sa reaction nito.

"Daddy?" Nakataas na kilay kong tanong. Napangiti naman ito at lumapit sa amin bago yumakap.

"Malapit na ang Blood Moon, Veronika. Darating na ang lahat para pag-agawan ka." Ngumiti ako. He kissed me on my temple.

"Dad, walang ibang nag mamay-ari sakin kundi ang ama lang ng nasa sinapupunan ko." Hinaplos ko ang tiyan ko. "I am already marked. Wala na akong dapat ikatakot pa sa Blood Moon."

Napatingin ako sa maliwanag na buwan sa labas ng rehas na bintana.

"Si Nathaniel?" Napalingon ako sa tanong ni Ina.

"Darating sya. Nararamdaman ko sa puso ko."

"Kung ganun..."— Hinawakan ni Daddy ang kanang balikat ko samantalang ang kamay naman ni Mommy ay nasa kaliwang balikat ko. Pumikit ako at naghanda.


It's time.


They chanted an ancient language and I felt that my body is gushing with so much power than ever. Ramdam ko ang kapangyarihang inilagay ng Ina at Ama ko sakin.

I feel so powerful and strong than before.


Kasalukuyan...

Walang nagtangkang magsalita nang umikot ako paharap. Alam kong ibinunyag ko na ang tunay kong pagkatao ng ipakita ko sa kanila ang ginawa ko sa mga rouges. It was no ordinary trick. I heard their rapid heartbeat and I smelt their fear for me.

"Tinupad ko lang ang utos ng Moon Goddess sa akin." Sabi ko at tiningnan si Trevor. Nakatingin lang ito sa akin na parang hindi nito kayang magsalita.

"Sino ka ba talaga?!" Sigaw na tanong ng Daddy ni Trevor. He is really dumb and stupid!

Ngumisi lang ako dito.

I felt the world is shaking. Lumindol ng napakalakas kaya nagsigawan ang lahat. Bumiyak ang lupa at lumabas ang kampon ng mga demonyo.

Ilang segundo pa ay nagliwanag ang kalangitan at lumabas ang mga anghel na may mapuputi at malalaking pakpak.

Napuno ng takot naman ang mga werewolf sa mga nagaganap ngayon. Nangingilabot sila sa nakikita nila samantalang ako ay nakatingin lang sa kanilang lahat na parang wala lang ang lahat. 

As expected—

Lumuhod ang mga demonyo at anghel sa akin habang ang mga werewolf ay nanlalaki ang mata sa nasaksihan.

"Mahal na Prinsesa."—

"Hindi ako sasama sa inyo." Agad na sinagot ko sila.

"Pero naghihintay na sa inyo ang kaharian ng iyong, Ina mahal na prinsesa." Sagot ni Hellion.

"Huwag sa kanila, mahal na prinsesa. Mas kailangan ka ng kaharian ng iyong Ama. Para ito sa kabutihan ng lahat." Tutol ni Vernon.

"Buntis ako at may nagmamay-ari na sa akin. Masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko ni minsan hinangad na mamuno sa kaharian ng Ama at Ina ko."

"H-Hindi! Ako ang mate mo kaya sa akin ka sumama, Kira." Nabaling ko ang tingin kay Trevor.

"Huwag kang sumali sa usapan, Trevor."—

"Ikaw ang nakatakda sa anak ko kaya nararapat lang na sa amin ka mapunta!" Sigaw ng Daddy ni Trevor.

"Tito!"— Tutol ni Ashley sa sinabi ng Daddy ni Trevor.

"Tumigil ka, Ashley! Atin ang Prinsesa dahil sya ang nakatakda kay Trevor." Gusto kong matawa. Nakikita ko kung gaano kagahaman ang puso nila. Pagkatapos nila akong pagbintangan na traydor, pagbantaan, gawan at pagsabihan ng masasama at kung anu-ano pa ay may gana pa talaga silang angkinin ako.

"Mas lalong hindi ako sasama sa inyo." Tukoy ko sa kanila. Ayokong gamitin nila ako dahil na rin sa kanilang sariling interes.

"Mahal na Prinsesa, sa amin ka sumama. Malaki ang kaharian na pamumunuan mo. Higit pa sa inaasahan mo.." — Ani ni Hellion na pinuno ng mga demonyo.

"Huwag kang makinig sa kanya, mahal na Prinsesa! Mapanlinlang ang kagaya nila." — Si Vernon.

"Mawalang galang na pero wala sa inyo ang kukuha sa Prinsesa." Napalingon kami sa mga bagong dating.

"Ang council!" Gulat na sabi ni Gabriel. Kumunot ang noo ko. I smelled the air. 


He's here!


"Mahal na pinuno! Mabuti at dumating kayo ngayon agad." Sabat ng ama ni Trevor sa gwapong lalaki na medyo may katandaan na. He looked so familiar but I don't know where I did saw him. "Itong Prinsesa ay nakatakda para sa anak ko kaya nararapat lang na mapunta sya sa amin." The council shook his head and laughed to my surprise.

"Wala sa inyo ang pipiliin ng Prinsesa. Dahil ako ang nararapat sa kanya."— Halos lumundag ang puso ko sa saya ng makita ko si Nathaniel sa likod ng sinasabi nilang mahal na pinuno ng council.

Finally! I saw him again. I felt it in my heart that I will see him tonight. Umasa ako at ngayon andito na sya.

Gosh! I missed him so much!

"At sino ka naman?!" Tanong ni Vernon.

"Paumanhin at hindi ko pa naipakilala ang kasama ko." Ani ng pinuno ng council at tumabi kay Nathaniel. "This is Nathaniel Evans Young. The King of the Lycans and my son. He is the constantine of Princess Veronika Kiravenis."

I was shocked when I heard it. Nathaniel is the King of the Lycans?

***

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon