Chapter 20: Priority

10.1K 271 11
                                    

Trevor's POV

Unti-unti akong dumilat. Kinurap ko muna ang aking mga mata dahil nanlalabo pa ang aking paningin. Parang bulang nawala bigla ang sakit ng aking katawan. I stared at my shaking hands. Walang mga sugat ni galos. Mabilis kong kinapa ang aking leeg ngunit wala akong maramdamang hapdi o dugo. Iginala ko ang aking paningin sa labis na pagtataka. Kung ang kaninay nasusunog na pack house, ngayon ay parang walang nangyari.

What just happened? Impossible!

Ngunit kahit na nawala ang lahat na pisikal na sakit ay hindi ko maipaliwanag ang sakit nang nasa kalooban ko. Kaya hinawakan ko ang dibdib ko. Parang may kulang. Hindi ko maipaliwanag. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari at bigla nalang naging ganito. Tiningnan ko ang ibang pack members na parehong may pagtataka sa mukha at pagkamangha habang tumitingin sa paligid.

"Blood Crest!" Tawag ko sa attention nilang lahat kaya nagmamadali silang pumunta sa gawi ko.

"Alpha! Anong nangyari?" Tanong ng isang pack member. Iginala ko muna ang paningin ko sa kanilang lahat at inobserbahan sila. Ang iba ay umiiyak ang iba naman ay seryoso ang mukha. May iba din na tulala. Napailing nalang ako.

"Hindi ko alam. Ngunit ang importante ngayon ay ligtas na tayong lahat. Pumunta kayo sa infirmary upang ma siguro na okay kayo. Ang iba naman ay magtulungan upang ma recover ang mga katawan ng mga nasawi a- "

"Kasalanan mo to! Kung naging isang pack na sana ang Silver Moon pack ngayon at ang Blood Crest sana ay hindi tayo basta-basta natatalo ng mga kaaway!" Hindi ko natapos ang sana ay sasabihin ko ng may isang matandang pack warrior ang sumabat. Nag-init bigla ang ulo ko. Kahit matanda pa yan ay hinding-hindi ko papalampasin ang pambabastos nya sa akin. Sa harap pa mismo ng pack members! 

Sabihin na ngang mas matanda pa sya sa akin pero mas mataas ang posisyon ko dito kaya wala akong pakialam kung ano pa sya. Ako ang dapat respetuhin nya! Humakbang ako papalapit dito.

"Sino ka ba para kwestyunin ako? Baka nakakalimutan mo kung sino ka lang! I am your Alpha!" Sinakal ko sya at nakita ko ang takot sa mga nanlalaki nyang mata. Alphas are known to be dominant and I hate to be disrespected.

"P-Patawad, A-Alpha." Nahihirapang ani nito. Pinakawalan ko agad ito at umu-ubo ito. Puno ng kaseryosohan ko silang tiningnan lahat. "Simula ngayon, ti-triplehan nyo ang pagsasanay. Maging leksyon na sa ating lahat ang nangyari kanina. Mas paiigtingin pa natin ang seguridad ng ating sakop at..." Ini-isa-isa ko silang tiningnan at napabuntong hininga.

"Ipagpasalamat nalang natin kung anu man ang kakaibang nangyari kanina. Kung isa man yung himala o tulong ng Moon Goddess. Hindi natin alam. Isipin nating napaka swerte natin dahil binigyan pa tayo ng pagkakataon upang mabuhay." Pagkatapos kung sabihin yan ay umalis ako sa harap nila ngunit agad na napahinto ng tawagin ako ni Duke at Gavin.

"Alpha!" 

"K-Kailangan mong makita ito." Seryoso nilang ani kaya kinabahan ako. Sumunod ako sa kanila ngunit parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng makita kong nakahandusay ang maliit kong kapatid at ang aking Ina habang yakap ng Ama ko ang kanilang bangkay at tahimik na tumatanggis. Agad akong napaluhod. Nanginginig ang katawan ko sa galit at pagluluksa.


Galit.

Galit para sa sarili ko. 

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon