Chapter 14: Mask

10.7K 354 21
                                    

Kira's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sana sa garden ng may humarang sakin. I rolled my eyes when I saw who it was. It's been a week since we last talked. Hindi ko na nga siya pinapansin at palaging naka toun ang atensyon ko kay Nathaniel.

I mentaly smiled when I remembered his face. Napakaswerte ko talaga kay Nathaniel. He's willing to wait for me to accept him kahit hindi naman talaga kailangan pa kasi nakatakda na kaming magsamang dalawa.

"Ano na naman ngayon?" Bored kong sabi. Hinawakan niya ako sa kamay. I felt sparks on his touch pero hindi na masyado ganun katindi unlike before. Maybe it's because of my Constantine now kaya humihina na ang mate pull namin.

"Kira, hindi ko kayang malayo sayo. Just say yes to my proposal, please?"

"Na ano? Gagawin mo akong side dish slash dirty little secret mo, Trevor?" I said full of sarcasm. Tinitigan ko sya ng may pang-uuyam. He looked so miserable. Manigas ka!

"I have to do this, Kira. Please understand me. I can't stand to be away from you. I need you, Kira. My wolf, hindi na niya ako kinakausap last week pa. I am miserable right now without you. I can't stop thinking about you." Nagmamakawa na sya. Desperado na talaga.

His face is haggard. His dark circles under his eyes are visibly showing. May tumtubo na ngang bigote sa mukha nito pero kahit ganun gwapo parin siya. I somehow felt sad.

Kahit anong gawin kong pag ayaw sa kanya ay nahihirapan din ako. He was supposed to be my mate, my forever partner. Kaya hindi talaga maidi-deny ang connection namin sa isat-isa.

I shook my head to control myself. "Sana naisip mo yan right before you rejected me, Trevor. I don't feel sorry for you Trevor because you deserved it. I cannot accept your proposal. I deserve better than that. Just so you know."

"Kailangan kong gawin to Kira."

"Iba ang salitang kailangan sa salitang gusto, Trevor. Magkaiba yun ng ibig sabihin." Malamig kong tugon. Magsasalita pa sana ito ng biglang tiniwag sya ni Ashley.

"Babe? Why are you talking to that ugly bitch?" Maarte nitong tanong habang pa kembot-kembot na papalapit sa kanya.

Natigilan si Trevor. Inarok ko lang sya ng tingin. Nakahawak parin ito sa braso ko kaya malakas ko itong winakli.

"Nothing, Babe. It's not important." Narinig kong mahinang buntong hininga nito at hinalikan si Ashley sa labi.

I scoffed. Umalis ako sa harapan nila ngunit may kaunting sakit parin akong nararamdaman.

Ganyan ba? Ganyan ba ang gusto niyang gawin sa akin? Na kapag may ibang kasama kami ay i di-deny niya ako? Kapal nang mukha! Nahihibang na talaga sya!

Ramdam kung may ibinato na libro patungo sakin kaya agad akong humarap at sinalo ito ng walang ka hirap-hirap. I smirked at Ashley. Malapit ng matapos ang pananahimik ko.

"Ashley, diba sinabi ko na sayo na wag ako ang kakalabanin mo?" Malamig kong sabi. Nakita kong napangisi lang ito.

"I'm done with your empty threats, Bitch! So the nerdy nerd is not really a nerd afterall."

"You don't wanna know." I have a sinister smile on my face that made her stop. Tiningnan ko si Trevor. "Tigilan nyo ako Trevor. Ilang pagkakamali nalang, makikita nyo."

"Layuan mo ang boyfriend ko!" May diin nitong sabi. I rolled my eyes. Threatened ka, sist?

"Sure."

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon