Chapter 33: Father

9.1K 246 22
                                    

Unknown's POV

Malakas na binalibag ko ang pagsara ng pinto. "Punyeeeeetaaaaa!" Galit na sinipa ko ang pang isahang couch at binato ang lampshade na nahawakan ko.

"Kung hindi ka magiging akin Nathaniel walang makaka agaw sayo. Akin ka. Akin ka lang!!! Papatayin ko kayong dalawaaaaa! Papatayin ko sya!"


Kira's POV

"Kung ang ipinunta mo dito ay ang pagpigil sa relasyon naming dalawa ng anak mo ay makaka-alis ka na."

"Binabalaan kita. Huwag mong guluhin ang buhay ng anak ko kung hindi ay papatayin kita at yang batang dinadala mo. Kailangang maipasatupad ang pagiging isang pack ang Silver Moon at Blood Crest para sa kabutihan ng nakakarami at hindi ka makakatulong sa anak ko sa sitwasyong to kaya wag ka ng umeksena." Banta ng Ama ni Trevor sakin. Hindi ako umimik. Tiningnan ko lang sya.

"Naiintindihan mo ba?!" Ulit nito sa akin. Ngumiti ako at umiling.

"Rouges." Naging alerto ang katawan ng Ama ni Trevor ng banggitin ko ang mga rouges.

"Pagsapit ng hating gabi ay dadating sila sa Urduja. Kailangan nyong maghanda. Magaganap ngayon ang Blood Moon." Sabi ko at tumayo ito palapit sakin.

"Paano mo nalaman ang mga yan?! May koneksyon ka sa kanila kung gayun!" Sigaw nito at tinuro ang ako. Tumawa ako at umiling.

"Inuulit ko, nag-aaksaya ka lang ng panahon Alpha Theo. Kung isa man akong ispiya ay nuon ko pa sana kayo pinatay lahat. At umalis ka na dahil wala akong panahon para pigilan sila sa kasal nila. Tapos na kami ni Trevor. Maliwanag pa sa sikat ng buwan."

"Hindi ako naniniwala!"

"Hindi rin kita pipilitin, Alpha Theo. Pero kung ayaw mong dumanak ang dugo dito sa lugar nato ay sundin mo ang payo ko."

Tumahimik ito. Lumayo ito sakin at pumunta sa pinto.

"Pagkatapos ng Blood Moon ay papakawalan ka na namin dito at ita-transfer sa council. Ang council na ang bahala sayo. Hindi ka pwedeng lumabas ngayon dahil under observation ka pa. Hindi namin matiyak kung isa ka bang ispiya o hindi. Malalaman namin yan pagsapit ng Blood Moon kung ano ang magiging reaction mo. Pero kung may balak kang sirain ang kasal, ako mismo ang papatay sayo. Tandaan mo yan." Pagkatapos nitong sabihin yun ay umalis na agad ito.

I breathed heavily. I've received too much threats from people today. Nakakapagod makinig ng mga walang kwentang pagbabanta nila. As if they can really kill me. Napatingin ako sa relo ko. It's already 11:36 pm.

I breathed again.

I need Nathaniel in my side right now. Where is he?

****

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon