Chapter 28: Pissed

9.2K 245 14
                                    

Trevor's POV

Hindi ako nakagalaw. Parang isang iglap lang ay natapos na kaagad. Kinalabit ako ni Gavin kaya napakurap ako.

"Alpha, si Kira ba talaga yan?" Mind link nito sakin. Hindi ako makasagot. I'm still shocked.


I t-thought...


I thought s-shes w-weak...


I-I...


I don't know what to say...


Kumurap-kurap ako ulit. Baka panaginip na naman ulit ito. Baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko. Nasapo ko ang noo ko.

"A-Aray!" Bumalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang nahihirapang boses ni Chiko.

"T-Tulong! Mamatay na ata ako." Kinakapos na ungol ni Gregory. Pareha silang hubad kaya nagmamadaling lumapit si Gavin at tinakpan ang katawan nila. Lumapit ito kay Duke na nakahandusay parin sa lupa. Chineck nito ang pulso ni Duke at inilapit ang tainga sa dibdib nito atsaka nakahinga ng maluwag.

"Buhay pa si Duke pero wala parin itong malay." Imporma nito. Tumingin ako kay Kira. Hindi man lang ito pinagpawisan sa ginawa. Paano nangyari yun? Imposible! Lalaki ang mga nakalaban nya pero hindi man lang sila nakahawak sa dito. 

Ang bilis ng pangyayari!

"S-Sino ka ba talaga?!" Galit at naguguluhan kong sabi.

"I'm afraid I'd have to kill you first before I tell you." Walang emosyon nitong ani kaya napalunok ako.

S-She's my mate. Kung may koneksyon sya kay Moon Goddess ay siguradong hindi sya basta-bastang lobo.

"You're all wasting my time. Let's get straight to the point. I will train you all and you'll do what I say. But if you're still not convinced then just say the word and I'll leave right away." Deretchong sabi nito. My heart beated fast. Narinig ko na ang bulong-bulongan ng pack.

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Wala namang nagbago dito. Hindi pa rin naman sya maganda at ganyan na ganyan parin ang suot niya araw-araw. Sya pa rin yung Kira na nakita ko nuon p-pero.. parang hindi na sya yung Kira na kilala naming lahat.


Kilala ka ba talaga namin?


"Trevor!" Untag nito kaya nagmamadali akong tumango ng sunod-sunod. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"A-Ahh. Oo. Y-Yeah! Yes. E-Everyone, follow whatever she says!" Tarantang sigaw na utos ko at agad naman silang nakinig at pumwesto. Walang nagtangkang sumalungat dito.


"600 laps!"



"500 push-ups!"



"Suicide Ruuuun!"



"Dodged!"



"Jump!"



Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon