ENTRY #1: Nahulog Ang Tinidor!

617 8 7
                                    

"Nahulog ang tinidor! may darating na bisita!" pinulot ko ulit ang tinidor ko.

"Oh sige nga, nasaan na yung bisita?" pagtatakang tanong ni Gleanne.

"Tiwala lang! Darating din si Rafael!" sabi ko na may halong landi, tingin ako ng tingin sa paligid tapos mga ilang minuto na wala parin siya ay sumuko na 'ko. Ang mga kaibigan lang niya ang nandun, wala siya.

"Bakit ba kasi hanggang ngayon naniniwala ka parin sa mga pamahiin na ganyan Hanna?" tuloy parin ang pagnguya ni Gleanne.

"Sus, malay mo yun na yung crush mo." asar ko kay Gleanne pero 'di naman siya naasar.. "Atsaka kasi nagkakatotoo rin minsan e!"

Totoo naman e, dati tuwing 'pag mahuhulog ang kutsara ko dumadating kagad si inang mahal. Pero bakit pag nasa cafeteria ako at sinasadya kong ihulog ang tinidorhindi parin sya nagpapakita?

Ay oo nga pela, sinasadya ko kasi e.

"Bahala ka nga, basta ako kakain." sabi ni Gleanne habang sinusubo na yung hotdog na kinakain niya, kukunin ko lang sana ang tumbler ko sa harap ni Gleanne pero nasagi ko siya at nahulog niya ang tinidor nya.

"Nahulog ang tinidor! may darating na bisita!" inirapan lang niya ako at kinuha ang tinidor niya "Hehe sorry na Gleanne 'di naman--."

"Hoy Rafael!" lumingon kagad ako ng marinig ko ang pangalan niya. nandoon siya sa pintuan ng canteen, lingon ng lingon na para bang may hinahanap.

"Rafael Montes! Dito kami!" sigawan ng mga kaibigan niya, lumapit nadin siya sakanila.

"Gleanne nandito na siya! sabi ko sayo nagwowork eh!" bulong na pasigaw kong sabi, sabay yugyog pa ang hampas sakanya.

"Aray masakit!" aniya, medyo napasobra ata ako.

"Peace yo!" nagpeace sign ako sakanya, namula kasi ng sobra ang mukha niya e. Buti nalang talaga magkatapat kami ng upuan nila Rafael.

Sumilip ako ng konti sakanila, inakbayan ni Michael si Rafael, ang kaibigan nya. "Hay, tadhana nga naman, tignan mo oh Raf? Nandito pa crush mo haha!"

Pero bigla siyang sinuntok ni Rafael sa siko. "Tangna mo pare! Gago ka 'pag narinig niya yun!"

"Di yan! Kaw talaga 'di mabiro haha!" tawanan ng iba, halatang inis si Rafael pero napapangiti ng konti habang nakatingin sa direksyon namin.

"Narinig mo 'yun Gleanne?! Sabi ni Raf may gusto siya! At nakatingin pa siya sa direksyon natin kaya ibig sabihin.. WA!"

"So, meaning ba n'un ikaw na?"

"Hm." tumingala ako na para bang nag-iisip. "Pwede?"

"Sigh, Hanna. Masakit ang mag-assume." bigla nalang ako napatigil.

"Gleanne. Tiwala lang, naniniwala ako dito.. Atsaka Gleanne, hindi ka ba umasa? Maiintindihan mo naman ako eh" tumigil siya sa pagnguya na para bang nanigas sa pwesto niya.

"Nahulog ang kutsara! may darating na bisita!" sambit ko ng mahulog ni Fita ang kutsara niya habang kumakain sa classroom.

"So? Porket nahulog may darating agad?" kinuha ni Fita ung kutsara nya.

"Totoo yun! At bilisan mo na dyan kasi sure ako na darating na si Ma'am!" pangungulit ko sakanya habang kumakain sya.

"Hindi naman totoo yan eh." biglang bumukas ung pinto sa classroom.

"Tama na 'yan at may gagawin na tayo" Tama nga! Dumating si ma'am! Sabi ko na nga ba totoo yung pamahiin e!

"Kamusta P.E., Gleanne?" tanong ko sakanya habang nagpupunas ng pawis.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon