ENTRY #44: Hibang

103 1 1
                                    

"Pare tama na 'yan. Lasing ka na." Awat sa'kin ni Jason, kaibigan ko.

"Wala kang pake, tsaka hindi pa 'ko lasing. Ano tingin mo sa'kin? Baguhan sa mga ganito? Tss." Inagaw ko yung bote na iinumin na sana ng kainuman ko at diretso itong ininom.

"Lasing ka na talaga. Halika na nga." Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang bisig ko sabay hila.

"Ano ba? Sabi ng hindi pa 'ko lasing eh. Ang tigas lang ng ulo." Pilit kong kinuha 'yung kamay niya na nakahawak sa 'kin at ipinagpatuloy ang pakikipag-inuman. Itinaas ko yung boteng hawak-hawak ng kanang kamay ko at niyaya pa silang mag-inom.

Biglang may sumigaw sa may likuran at pilit na namang pinigilan ang pag-inom ko. "Dexon! Tama na 'yan." Sigaw nung babaeng nasa likuran ko. Naglakad siya palapit sa 'kin at huminto sa harap. Tiningnan ko lang siya ng ilang saglit at nagpatuloy na sa pag-inom. "Tama na nga 'yan sabi eh." Inagaw niya yung isang bote ng alak sa kamay ko.

"Ano ba ha?" Inis kong sigaw sa kanya.

Inagaw ko sa kanya 'yung bote at hinagis ito sa pader. "Sabi ng hindi pa 'ko lasing eh. Hindi ba talaga kayo makaintindi ha? Ba't ba ang tigas lang ng mga kokote niyo?"

Pagkatingin ko sa babae ay umiiyak na ito. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to. Bigla na lang akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. "Jane, h'wag ka nang umiyak. Hindi na talaga ako iinom."

Pero imbes na tumahan 'yung babae eh mas humagulgol pa ito sa pag-iyak. Kumalas siya sa yakap ko at tumakbo palayo. Habang nakikita ko siyang tumatakbo palayo sa 'kin ay para ring tinutusok ng karayom ang puso kong 'to.

"Jane, huwag mo 'kong iwan!" Bulalas ko.

"Pare hindi 'yun si Jane, si Kaila 'yun." Pagtatama naman sa 'kin ni Jason na nakatayo sa tabi ko ngayon.

"Anong hindi? Eh-"

"Hay naku, lasing ka na talaga pare." Tinapik-tapik niya yung balikat ko. "Itulog mo na 'yan at nang magising ka na sa katotohanan. Move on na pre." Tas naglakad na siya paalis.

Dahil sa narinig kong iyun ay napagtanto kong umuwi na nga lang at magpahinga.

May dala-dala akong pasalubong ngayon. Sana naman magustuhan niya ang mga ''to. Pinaghirapan ko pa namang lutuin 'to.

Isang liko nalang at makikita ko na siya. Isang linggo ring di niya 'ko pinansin eh. Kaya sabik na sabik na talaga akong makita at makayakap siya.

Ngiting-ngiti akong lumiko, pero bigla kong naibagsak ang pasalubong sa nakikita ko ngayon. Sa may tapat ng kanilang bahay ay may nagkukumpulang mga tao. Agad naman akong tumakbo papunta doon.

"Naku, kawawa naman ang dalagitang 'yan." Dahil sa narinig ko ay sumiksik na 'ko  para makita kung anong tinitingnan nila.

"Excuse po" Tinabig ko yung isang lalaki na kanina pa hinaharangan ang paningin ko. "Anong- JANE! JANE!"

"JANE!" Naghahabol-hininga akong napabangon sa pagkakahiga. "Hoo~ Ba't ba palagi kong napapanaginipan 'yun? H'wag naman sanang mangyari 'yun kay Jane."

Maya-maya pa ay biglang sumakit ang ulo ko. Hang-over ata 'to sa pag-inom ko kahapon.

Biglang sumigaw ang kapatid kong si Jenifer. Sinabi niya sa aking may bisita ako at naghihintay raw ito sa sala.

"Pakisabi, saglit lang."

"Opo, kuya." Sagot naman ng kapatid ko sa may pintuan.

Napaisip ako kung sino kaya ang babaeng bisita ko ngayon. Nagpaling-linga ako sa aking kwarto at nahagilap ng mga mata ko ang kalendaryong may nakaguhit na heart sa 29 na numero.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon