ENTRY #39: A Moment Like This

147 4 3
                                    

Napakaraming tao ang nagsisigawan at tanging pangalan ko ang hinihiyaw. Ang ilan pa ay may mga signage na ang nakalagay ay "We love you Khrisa!" Nakakatuwa. Napakasarap isiping ang daming taong naniniwala sa talento mo at hinahangaan ka rito.

'Di ako makapaniwalang nakatayo na ako sa stage sa harap ng libo-libong tao. Ito ang pinapangarap ko -- ang maging isang sikat na singer. Bonus na nga 'tong makapag-concert dito sa MOA Arena.

Tumutok sa'kin ang spotlight at mas lalong umingay ang lahat. Huling kanta ko na 'to kaya't dapat na pagbutihin ko. Kasabay sa ritmo ng intro ng kanta ay ang pagbati ko sa lahat.

"Good evening, MOA Arena!" Masiglang bati ko sa mga manonood at itinaas ang kanang kamay at dahan-dahan itong iwinagayway.

Panahon na upang ipamalas ang galing ko sa pagkanta. Isinabay ko ang pagkanta ko sa indak nito. Pumikit ako at inayon ang emosyon ng kanta sa aking boses. Sinimulan ko nang umawit.

"Listen to the song here in my heart

A melody I start but can't complete

Listen to the sound from deep within

It's only beginning to find release."

Matagumpay kong naipasok ang lyrics sa tamang indayog nito. Tumahimik ang lahat. Gusto nilang marinig ang tinig ko. Dinagdagan ko pa ng konting hand gestures ang pagkanta upang mas maging epektibo.

"Oh, the time has come for my dreams to be heard

They will not be pushed aside and turned

Into your own all 'cause you won't

Listen.

Listen, I am alone at a crossroads

I'm not at home in my own home

And I've tried and tried to say what's on my mind

You should have known."

Itinuloy ko ang aking pagkanta. Ngayon, ramdam na ramdam ko na ito. Ang lahat ng alaala ay bumabalik sa'kin. Mula nang pagtawanan ako ng mga tao nang mag-audition ako sa Glee Club. Sabi nila, hindi raw maganda ang boses ko. Hindi raw ako bagay sa kanila. Hindi raw ako maganda. Pangit daw kasi ako.

Tingnan natin ngayon kung sino ang mas magaling. Oo, pangit ako pero hindi naman 'yun hadlang para matupad ko ang aking mga pangarap.

"Oh, now I'm done believing you

You don't know what I'm feeling

I'm more than what you made of me

I followed the voice you gave to me

But now I've gotta find my own.

You should have listened; there is someone here inside

Someone I thought had died so long ago

Oh, I'm screaming out and my dreams will be heard

They will not be pushed aside or turned

Into your own all 'cause you won't

Listen."

Bumuhos pa ang ibang alaala. Ramdam kong parang nadudurog na ang aking puso dahil sa mga alaalang nagbabalik sa'kin. Iniwan ako ng bestfriend ko, si Roman nang malaman niya ang lihim ko. Ang lihim kong pagtingin sa kanya. Ang sakit. Napakasakit.

Ibinuhos ko na ang lahat dito sa kantang ito. Ito ang kantang tumutugtog noon sa school canteen. Ito ang background music namin ni Roman nang lumayo siya sa'kin kaya hindi ko makakalimutan itong kantang ito.

Bridge na ng kanta. Mas lalo ko pang ginalingan kahit na namumuo na ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"I don't know where I belong

But I'll be moving on

If you don't, if you won't."

Naghiyawan ang mga tao nang maabot ko ang tamang nota sa birit. Tumayo sila sa kanilang mga upuan at sabay-sabay na inalon ang mga kamay sa saliw ng tugtog.

"Listen to the song here in my heart

A melody I start but I will complete

Oh, now I'm done believing you

You don't know what I'm feeling

I'm more than what you made of me

I followed the voice you think you gave to me

But now I've got to find my own."

Ginawa ko ang lahat upang pigilin ngunit patuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha. Isang "my own" nalang at matatapos na ang kanta. Isang linya nalang at hindi na sa'kin ang spotlight na nakatutok sa'kin ngayon. Isang linya nalang nang biglang may sumigaw nang malakas na nagpagising sa katawang lupa ko.

"Khrisanto! Gulat ka ata? Binuksan ko na ang pinto ng banyo at dinatnan nanaman kitang nakaupo d'yan sa tabi ng inidoro. Ilang beses na akong kumakatok ngunit hindi ka naman sumasagot. Nakatulog ka na ata d'yan eh. Bilisan mo naman at taeng-tae na ako. Oh, ano 'yang nasa mata mo? Umiyak ka ba o nadurog na itlog 'yan ng butiki? Dyosmaryosep na bata, kakanta kanta pa, napakasama naman ng boses. Alis!"

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon