ENTRY #9: Ang Misteryosong Babae

312 4 3
                                    

                Isang madilim na gabi. Habang mahimbing ang tulog ng mga  tao,wala pa ring patid sa paghahanap ng pasahero ang isang traysikel drayber. Bilog ang buwan. Ang mga kuliglig ay sagana sa pagtunog. Ang hangin ay tila isang ‘dance instructor’ na nagpapasayaw sa mga naglalakihang puno.

                Dinig na dinig ang paglagasgas ng makina ng sasakyan nito. Ang mga mukha niyang malamlam ay nakatanaw sa kaliwa at kanan ng bawat kalsada. Naghihintay ng kahit isang pasahero nsa sasakay sa kanya.

                Lumipas ang ilang minuto, isang babae na nakaputing damit at mahaba ang buhok ang nadatnan niya sa tapat ng isang abandonadong gusali.Nagtaas ito ng kamay ngunit hindi naman sinabi kung siya ba’y sasakay Lumapit yung driver sa kanya at tinanong ito.

                “Miss! Sasakay ka ba?” hindi sumagot yung babae at ang tangi lamang ginawa ay pumasok sa loob ng traysikel nito. Wala ng nagawa pa si Manong at agad niya ng pinaandar ang sasakyan. Habang umaandar ay nagtanong ito sa babae kung saan ba siya bababa.

                “Idiretso mo lang!” nakapangingilabot na sagot nito. At idiniretso nga ni Manong ang pagmamaneho hanggang makarating na sila sa isang sementeryo. Hindi na mapakali ang drayber dahil malapit ng maubos ang kanyang  gas sa tuloy-tuloy na pag-andar papunta sa lugar na hindi naman niya alam kung saan. Muling tiannong nung drayber yung babae at laking gulat na lang nito nang mawala na sa loob ang babae. Kinabahan si Manong at tumindig ang balahibo sa takot.

                Kinabukasan,sa parehong oras at panahon, nasa kalsada pa rin si Manong para maghanap ng pasahero. Muli niyang natagpuan ang misteryosong babae  sa tapat ng abandonadong gusali . Hindi na nakaputi bagkus ay nakaitim na siya ngayon di tulad ng kagabi.

                Kahit naiihi na sa takot si Manong, pinuntahan niya pa rin ang babae. Muli, sumakay lamang ito nang hindi nagsasalita. Diniretso lang niya ang pagmamaneho at nang makarating na sa sementeryo ay bigla ulit itong nawala.

                “Hala!  Ano bang klaseng tao yon?! Bakit sa tuwing madadaanan namin ang sementeryo ay bigla na lang siya nawawala?” bulong nito sa sarili sabay buntong-hininga. Hindi na talaga mapakali si Manong. Pagkauwi niya, taimtim siyang nagdasal sa Panginoon upang humingi ng tawad at sabihin na tigilan na siya ng misteryosong babae.

                Kinabukasan,bago siya umalis ng bahay, nagdasal muna saiya upang siya’y gabayan sa pamamasada. Matapang siyang nagmaneho at tinunton niya ang abandonadong building kung saan parating nakatayo ang babae.At muli niya nga itong natagpuang nakatayo rito.

Pula ang suot nito di tulad ng dati na itim at puti. Bumaba siya sa traysikel at nilapitan ang babae. Nakatalikod na wari’y may kung anong ginagawa.

                Dugdug….dugdug….

                Dahan-dahan ang paglalakad nito.

                Isa, dalawa, tatlo , apat…

                Hanggang nasa likod na siya nito. Nakakaakma na ang kamay ni Manong para tapikin ang babae ngunit agad itong nakaharap.Napasigaw ng malakas ang drayber at pati ang babae. Sabay silang nagulat ngunit naunang magsalita ang babae.

                “Waah!!! Tulong!!! Mamatay-tao!!! Tulong!!!” sigaw ito ng sigaw para humingi ng tulong.

                “Anong waah?! Multo humihingi ng tulong?!” pagtataka namang sabi ni Manong.

                “Anong multo?! Di ako multo noh! Teka, ikaw yung drayber ng traysikel na dalawang beses ko ng sinasakyan ah? Alam mo bang dalawang beses ng nanganib ang buhay ko dahil sayo?!! Kada sakay ko parati mo na lang akong nilalaglag! Tapos sa sementeryo pa talaga! Mamamatay-tao ka! Tulong!!!” sabi pa nito sabay hingi uli ng saklolo.

Gulat na gulat si Manong sa sinabi nung babae. Buong akala nito ay isa siyang multo na gusto siyang takutin.

Lesson: Bago lumabas ng bahay, humingi ng buong gabay at pag-iingat sa Panginoon. At isa pa, huwag manghusga, nakamamatay! Buwahaha!!!

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon