ENTRY #48: Panyo

125 2 6
                                    

Dalawang puso, dalawang kaluluwa

Pinag-isa ng panahon, pinagdugtong ng tadhana.

Nararamdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin galing sa nakabukas na bintana ng driver's seat. Heto ako at kasalukuyang nagmamaneho patungo sa tabing-dagat kung saan ko nais papuntahin ang mahal kong si Alyanna. Sa halos walong buwan naming pagsasama, ngayon pa lamang siya pumayag na pumunta sa dalampasigan malapit sa bahay namin. Mula noon pa man ay pangarap ko na talagang ipakita sa kanya ang kinalakihan ko, ang lugar kung saan ko nabuo ang aking pagkatao.

Upang hindi siya mainip sa aming biyahe ay pinatugtog ko ang isang kantang angkop talaga sa nararamdaman ko ngayon.

Passenger Seat.

Instrumental part pa lang ng kanta ay nakita ko na ang ngiti sa medyo mapuputla niyang mga labi. Ang mga ngiting ‘yan ang nagbibigay sakin ng lubos na galak.

                              And I've got all that I need, right here in my passenger seat

Korny man sigurong pakinggan, pero totoo naman. Nandito lang sa tabi ko ang lahat ng kailangan ko - ang mahal ko at ang pagmamahal niya.

"Malapit na ba tayo?" tanong niya.

"Oo, malapit na mahal ko."

Pagdating namin, itinigil ko agad ang sasakyan ilang metro ang layo sa dalampasigan. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan, hinawakan ko na ang kanyang kaliwang kamay.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Kailangan mo kasing suotin ang piring na ito,” sabi ko. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at pinakita sa kanya. “Minsan lang naman ‘to kaya sana ay pagbigyan mo na ako," dugtong ko gamit ang pinakamalambing kong tinig.

Ngumiti siya tanda ng kanyang pagpayag kaya ako na mismo ang nagsuot sa kanya ng piring. Matapos siyang piringan, mabilisan akong lumabas at pinagbuksan siya ng pinto. Tila isang prinsipe na handang alalayan ang kanyang prisesa, hinawakan ko ang kanyang kamay. Hindi ko alam, pero kahit paulit-ulit ko pang hawakan ang malalambot niyang kamay ay hindi pa rin talaga mawala ang kakaibang kiliti na nadarama ko kapag magkadampi na ang aming mga palad.

Dahan-dahan akong naglalakad habang inaalalayan ko siya patungo sa tabing dagat. Nang marating na namin ito ay agad ko naman siyang pinahinto.

"Andito na tayo?" nagtatakang tanong niya.

Hindi na ako sumagot pa, bagkos ay unti-unti ko ng hinubad ang nakasagabal sa kanyang paningin. Nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata, gulat na sa hindi kalaunan ay naging saya.

"Ang ganda," sabi niya sabay yakap sa akin. "Ang ganda talaga. Mahal na mahal kita." Bumitaw naman siya matapos ng ilang sandali.

Sa tabing-dagat ay magkahawak-kamay kaming nakatayo at pinagmamasdan ang sorpresa ko sa kanya.

Isang daang floating lanterns ang pinasadya ko talagang palutangin sa dagat upang aming sabay na pagmasdan. Tila mga alitaptap na siyang magsisilbing liwanag sa aming namumukadkad na relasyon.

Sa loob ng walong buwan naming pagsasama ay purong galak lang ang aming pinagsaluhan. Akala ko wala nang katapusan ang lahat. Akala ko ay wala ng problemang darating.

Isang gabing malakas ang buhos ng ulan, napagpasyahan namin ni Alyanna na sa bahay ko muna siya matutulog. Kilala naman ako ng mga magulang niya kaya madali silang pumayag.

"Maliligo muna ako saglit ha, babalikan kita diyan," malambing na pagkakaturan niya.

Mauulit na naman. Alam kong may iba siyang nais iparating ng pananalita niya. Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari, nasasabik na ako. Oo, mahal ko siya, ngunit hindi ko naman talaga maiiwasang malagyan ang aming relasyon ng konting pagnanasa.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon