ENTRY #27: Obsession

216 2 3
                                    

“Hindi ako makakapayag na hindi ka mapas’kin, Ella,”

Ayon na lang ang nasabi ni Zed habang nakaupo siya sa hagdanan ng school nila. Tinitignan niya sa field ng school nila si Ella, ang babaeng kinababaliwan niya simula pa noong nakilala niya ito. Mag-iisang taon na rin siyang nanliligaw sa babae pero hindi parin siya sinasagot nito.

Nang nag uwian na sila ay pinuntahan agad ni Zed si Ella sa classroom nila para sunduin. Lagi niya itong hinahatid sa bahay nila araw araw. At habang nag lalakad sila pauwi ay kinausap ni Zed si Ella, at dahil dito ay napatigil sila sa pag lalakad.

“Ella, tapatin mo nga ako,”

“ano ‘yun?,”

“May pag-asa ba talaga ako sayo? Alam ko naman na marami din sa’yong nanliligaw eh. Mas maganda kung ngayon palang malaman ko na kung meron akong pag-asa sayo o wala. So, meron ba talaga akong pag-asa sayo?,”

“tssss… yan ka na naman eh, alam mo Zed kung mahal mo talaga ako mag hihintay ka,”

“hanggang kelan pa? Ella, ayoko kasing umasa sa wala eh. Ayoko na, sawang sawa na kasi ako. Ayoko ng masaktan ulit katulad ng dati. Ayoko ng maulit pa ‘yung nangyari sa’kin dati. So please, sabihin mo sa’kin ‘yung totoo,”

Pero agad itong hinalikan ng babae, at dahil doon ay nagulat siya sa ginawa ni Ella.

“Para saan ‘yun?,”

“Ibig sabihin mahal din kita Zed,”

Noong sinabi iyon ni Ella kay Zed ay bakas ang kasiyahan sa muka ng lalaki at hindi na niya napigilan ang sarili na buhatin si Ella. Pagkatapos noon ay dumiretso na sila sa bahay ng babae at nag paalam na sa isa’t isa. Noong pinakilala ni Ella si Zed sa mga magulang niya ay tutol ito dahil hindi daw nila gusto ang lalaki, pero sa huli ay wala din silang nagawa dahil si Zed ang gusto ng anak nila.

Noong una ay maayos pa ang pakikisama ni Zed, pero dumating ang araw na napansin ni Ella na naging seloso ito at wala na sa lugar ang pagkagalit nito sa babae, halos lahat ng lalaki na makakasama ni Ella ay pinag seselosan nito. Palagi silang nag aaway dahil sa pag seselos ni Zed, pero agad itong napapatawad ni Ella dahil mahal niya ito. Pero mas lumala pa ang pagseselos ni Zed noong makita niya si Ella sa may lobby  na may kasamang lalaki, at ayon si Red. Nang makita ito ni Zed ay nagtago siya at tinawagan niya si Ella at sinabing makipag kita siya sa kanya sa field ng school kapag break time na nila.

“Ano ba Ella! Diba sinabi ko na sa’yo na ‘wag kag makikipag kita sa mga lalaki! Paulit ulit na lang ba huh?!,” pagalit na sinabi ni Zed

“Ano!? Ano na naman ‘bang sinasabi mo?! At saan mo na naman nakuha ‘yan hah?!,” sagot ni Ella

“Nakita ko kayo, nakita ko kayo ni Red!, akala mo ah! Kung hindi ko pa kayo nakita kanina, hindi ko pa malalaman na may relasyon kayong dalawa!,” sigaw niya

“A-ano!? Anong Relasyon ang pinag sasa sabi mo d’yan Zed?! Wala kaming relasyon ni Red! Ka Grupo ko siya sa Thesis! At pinag uusapan namin kung kelan kami mag s-survey! Grabe ka Zed!,” sigaw ni Ella

“At ako pa ngayon ang grabe? Tsk, hindi ako naniniwala na wala kayong relasyon ng lalaking iyon, kapal mo ‘ding babae ka! Minahal kita tapos ga gaguhin mo lang ako!?,” sabi ni Zed

“Wala ka na Zed, nababaliw ka na! Alam mo, mas mabuting mag break na lang tayo!,” sabay alis ni Ella

Pero agad itong hinabol ni Zed at niyakap, pero nag pumiglas si Ella at nakawala ito sa pag kayakap ni Zed.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon