ENTRY #51: Hanggang Tanaw Lang

96 2 3
                                    

 Nirvana - estado kung saan naabot na ng isang tao ang tugatog ng kanyang tagumpay

Naabot n’ya na nga ba ang tagumpay? Wala s’yang bahay at lupa, gayun din ang mga pilak at hiyas, hindi rin s’ya nagmamay-ari ng mga ekta-ektaryang sakahan. Isa lamang ang maaari niyang ipagmalaki at tanging kayamanan kanyang maituturing, walang iba kung hindi siya. Isang tagumpay na kailanma'y...

--x

Batugan, iresponsable at walang kwenta, ilan lamang ito sa mga salitang naglalarawan kay Pedro.

Umuuwing lango sa alak, uuwi lang para kainin ang pagkaing hindi nakalaan para sa kanya o ‘di kaya’y bubugbugin ang kanyang asawa dahil sa pagkatalo n’ya sa sugal o sa sabungan, ganito ang palaging eksena.

Ito palagi ang sitwasyon, paulit-ulit at paikot-ikot na lamang, walang araw na hindi ito nagaganap ngunit sa pagkakataong ito ay iba .

Ibang iba sa nakasanayan, dahil wala ng ingay ang maririnig , ang ingay na nagmumula sa sakit ng bawat suntok at sipa na binibitawan n’ya sa asawa. Mga ingay na nagmumula sa pagsusumamo ng dalawa n’yang anak na huwag nang bugbugin ang kanilang pinakamamahal na ina.

Nawala ang mga ingay na ito magmula nang mawala sila. Wala na sina Crispin at Basilio ang dalawang batang kanyang sinasaktan gamit ang kanyang kamay na bakal o ‘di kaya ang latigo. Minsa’y pinagtra-trabaho pa para lang matustusan ang kanyang bisyo at higit sa lahat wala na rin s’ya.

Ang kanyang asawang si Sisa. Si Sisa na handang ialay ang buong buhay mapasaya lamang s’ya. Si Sisa na kahit pagod na pagod na'y nagtitiis pa rin at si Sisa na ang tanging pagkakamali ay ang ibigin s’ya.

Napangiti s’ya ng mapakla, hindi ba dapat ay masaya siya dahil wala na ang mga peste sa buhay n’ya. Pero naiiinis s’ya sa sarili, kaya sa sobrang galit niya’y napasuntok s’ya sa pader.

“Wala akong pakialam sa pagkawala n’yo,” matigas niyang sabi ngunit sumasalungat sa kanya ang kanyang damdamin dahil ang totoo’y nasasaktan s’ya. Hindi n’ya napigilang mapahagulgul sa sitwasyon.

“Sisa! Hindi ba‘t mahal mo ako ngunit bakit mo ako iniwan,”sigaw n’ya.

“Crispin… Basilio… Sisa, bumalik kayo rito. Bakit n’yo ako iniwan?” galit na tanong n’ya.

“Sisa, susundan ko kayo riyan,” sigaw n’ya dahil sa kadesperaduhan n’yang makasama ang asawa n’yang. Sumagi sa isip niya ang magpatiwakal na lang.

Pumunta s’ya sa kwarto upang kunin roon ang punyal na kanyang gagamitin. Buo na ang kanyang desisyon magpakamatay dahil para sa kanya’y ito lamang ang tanging paraan para makasama si Sisa at ang mga anak.

Kukunin n’ya na sana ang patalim ngunit may pumukaw sa kanyang atensyon, ang panyong may burda ng kanyang pangalan. Ang panyong ito na tinahi sa para sa kanya ni Sisa noon habang nasa ilalim sila ng isang malaking puno.

Nakita n’ya rin ang isang papel na nakatupi, agad n’ya itong binuksan at binasa.

Mahal kong Pedro,

Pasulyap-sulyap, dito tayo nagsimula. Bumabalik pa sa aking balintanaw ang mga alaala noong unang pagkakataon kitang nahuling nakatingin sa akin. Hanggang sa tuluyan ka nang nagkaroon ng lakas ng loob upang ligawan ako. At hindi nagtagal ay napa-ibig mo ako, sa ilalim ng punong mangga’y doon mo nakuha ang aking matamis na ‘Oo’.

Sa ilalim ng punong mangga, doon tayo palihim na nagkikita. Sa ilalim din ng punong ito ang nagbigay daan upang mapatunayan ko na totoo pala ang sabi nila na kay tamis nga ng unang halik. Ang mga nakaw na oras, mga sandaling tayo’y magkasama, hindi kayang tumbasan ng kahit anong perlas o kayamanan.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon