ENTRY #45: Beki Po Ako.

126 4 5
                                    

Ang sabi dati ng mga ambisyosang kapitbahay namin, wala daw ginawang bading sa mundo. Ang pasubali ko noon— “made from Mars ako. Keri?”

 Hindi sa inookray nila si yours truly, pero sayang daw ang beauty kong pang Mr. Pogi. Kesyo pwede daw akong maging sikat, pwede daw akong maging modelo’t maging si Dennis Trillo, pwede daw akong yumaman, at pwede daw akong lumabas sa tv. Parang si Sadako. Ganun.

Isa ako dun sa mga tinatawag nilang pepper o paminta. Lumaganap na ang lahi ng sangkapamintahan at daig pa ng paglaki ng populasyin namin ang dami ng selfie mo sa sampung websites.Kung hindi mo alam ang paminta, kami yung mga beking kung manamit ay panlalaki ngunit may pusong pangdalaga. May durog na paminta at may buo, may pulverized pa nga na sobrang nakakabahing na. Kung saan ako kabilang, hindi ko na alam.

May nangyaring kasing hindi inaasahan. Kamakailan lang ay may naganap na nakakalurkey sa akin. And when I say nakakalurkey, nakakalurkey talaga to the point na malulurkey pati ang katabi mong nagbabasa ngayon kung meron man.

---

“Michael, ano title nung tulala lang sa’king kwarto at nagmumunimuni?

Si Sam. Marinig ko pa lang ang pangalan niya, sagad to the bone na ang pagkairita ko. Alam ko kasing siya ang sumira ng beauty title ko at aminado akong kinabog niya sa Anne sa pagiging diyosa at pagiging ambisyosa sa pagkanta.

“Tulala.” iritadong tugon ko sa kanya na sinagot niya ng malakas na hampas. “Hindi naman e!”

“Required ‘yung hampas? Tatanong-tanong hindi naman naniniwala.”

Nang dahil sa pagkainis ko ay lumipat ako ng upuan at ibinaling ang atensiyon sa nagsasalita naming propesor. Integral Calculus pala ang subject namin ngayon kaya hindi na kataka-takang  title ng kanta na lang ang tinatanong ng mga tao rito.

“The answer is 1.” tanging si Prof. Arth—short for Arthuro— at ang mga kaklase naming nakasalamin na lamang ang nakakaintindi sa nangyayari. Sa hinaba-haba ng sinulat niya sa whiteboard, one lang ang sagot.

One. Napatingin ako sa hawak-hawak kong Parker Pen.

Naisip ko lang, one year ko na rin palang kaklase si Sam at one year na rin ‘tong Parker Pen ko na niregalo niya. Naaalala ko pa noon, siya ang pinaka-kaclose ko at paborito kong okrayin at alaskahin. Nakakainsecure kasi talaga ang kagandahan niyang effortless. Naiisip ko pa noon, kung naging babae lang siguro ako, walang-wala ‘to sa ‘kin. Naguilty ako ng sobra nang iregalo niya sa akin ang Parker Pen na ‘to, pen daw ng mga diyosa.

“Parang tanga oh. Ngumingiti mag-isa.” naririnig kong sabi ni Eric— isa ring paminta at kaibigan ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagtunganga kay Prof. Arth.

Ewan ko ba kung bakit nagbago lahat. Nagbago ako kay Sam at ang paraan ng pakikitungo ko. Nagsimula akong mairita sa kanya kahit sa maliliit na bagay at mailang ng sobra kapag tumatabi siya. Ayokong dumampi ang balat namin sa isa’t isa dahil para bang may kuryenteng nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ewan. Marahil natrauma lang siguro ako sa isang pangyayari.

First year college-second sem, nagbeerday noon si Eric at naanyayahan kami sa bahay nila. Nagkayayaan uminom at hetong Sam naman ay hala sige sa pagtungga ng unlimited emperador kahit first time niya lang pala. Maingay na tawanan at walang humpay na usapan hanggang sa unti-unti silang nagbagsakan.

Natapos ang inuman, pinatay ang videoke at nakatulog na ang lahat maliban sa akin at sa sumusukang si Sam. O diba? May instant muchacho slash muchacha siya na tagahilamos ng mukha niya.

Hinintay ko siyang makatulog noon at baka magsuka na naman, nakakahiya na sa pamilya ni Eric kung sa sahig siya magkalat ng lagim. Medyo may tama na rin ako at dinadalaw na ng antok pero nagising ang diwa ko nang sambitin ni Sam ang kumpleto kong pangalan. Hindi niya naman siguro ako napapanaginipan ng kalaswaan at masasabi kong kadiri lang. Inisip ko na lang noon na baka gusto niya lang uli sumuka kaya naman inilagay ko ang braso niya sa batok ko at saka inalalayan sa pagtayo.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon