ENTRY #56: Cold As You

146 4 3
                                    

 Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ang mabigat niyang pagbuntong hininga. Tahimik ang paligid kaya't naiirita siyang umupo. Tanging ang makabagong tugtugin na lamang ang naisip niyang solusyon para ibsan ang pakiramdam na iyon. At nang matapat sa kantang ito, hindi na niya napigilan pa ang mga ala-alang akala niya ay matagal na niyang naibaon sa limot.

♪ You have a way of coming easily to me

And when you take, you take the very best of me ♪

"Matagal ko nang gustong sabihin 'to sa'yo e, pero ewan ko ba at parang ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin." Nahihiya niyang pahayag sabay kamot sa ulong hindi naman talaga makati. "Mahal na nga yata talaga kita, Candy."

Sa hindi malamang kadahilanan, umiiyak na napaupo ang dalaga habang nakatakip ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.

"Candy? Hala ano, anong gagawin ko? Teka, uh- gusto mo ba ng candy? Sandali ibibi--" Hindi magkandaugaga sa kung ano bang dapat gawin ang binata at nang marinig na parang tumatawa na ito, bigla siyang napahinto ng may pagtataka.

"Mahal na nga rin yata kita, Ice." Sambit ng dalaga habang humikbing tumatawa.

♪ So I start a fight cause I need to feel something

And you do what you want cause I'm not what you wanted ♪

Magkaharap silang kumakain ng lunch nang mapansin ni Ice ang paghagikhik na pagtawa ng kasintahan na tila kinikilig sa katext nito.

"Sino ba 'yang katext mo?" Iritang tanong nito.

Sa halip na sagutin, ngumiti lang ito sa kaniya saka sumubo ng pagkain kaya't hinablot nito ang cellphone ng dalaga.

"At sino naman 'tong Hot na 'to?" Ngumiti ulit si Candy na walang pakialam sa kung ano man ang mabasa ng binata.

Sa unang pagkakataon, nakita niya kung paano magselos ang kasintahan. At dahil doon masasabi nga niyang mahal siya nito.

"Hindi ka pa ba kontento sa akin kaya naghahanap ka pa ng iba?" Nawalan na ito ng gana kaya ibinaba na niya ang hawak na kubyertos.

"Teka lang Ice ha, hindi yata tama 'yang nasa isip mo, nagbibiruan lang kami ni Hot."

"Nagbibiruan? Nagpapatawa ka ba? Ganyan ba talaga kayong mga babae, hindi mapigil ang kalandian?" Ang kaninang matatamis na ngiti ay unti unting napalitan ng mapait na ngiti.

"C.R lang ako." Pag-eexcuse nito saka marahan na tumayo. Napailing na lang si Ice.

♪ Oh what a shame, what a rainy ending given to a perfect day

Just walk away, ain't no use defending words that you will never say ♪

"Sana magkasore eyes ka na lang 'no?"

"Ha? Ayoko nga! Bakit?"

Natawa naman ng bahagya si Ice at hinawakan ng marahan ang kamay nito. "Kanina ka pa kasi nila pinagtitinginan eh." Napalibot naman ng tingin si Candy. "Gusto ko ako lang ang titingin sa iyo." Napangiti na lang din tuloy siya dahil sa kilig.

Nasa isang fine dine restaurant sila ngayon kung saan nagce-celebrate ng ika-labing tatlong buwan nila bilang magkasintahan. At pansin na pansin ng binata na pinagtitinginan itong si Candy dahil sa taglay nitong kagandahan lalo na sa suot nitong pulang dress na bumagay sa mapuputi niyang balat.

Masayang nagbibiruan ang dalawa nang may lumapit na isang hindi katangkarang babae kay Ice at bumati. "Hi baby, andito ka pala. Anong ginagawa mo rito?" Agad namang tumayo at umalis ang binata kasama 'yung babaeng lumapit sa kaniya ng walang paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon