ENTRY #24: Lighter than Black, Darker than White

240 1 4
                                    

“I'm a canvass, an empty dull canvas, but no matter how plain I look like, there will always come a person who will find me and paint me with different colors. The person who will give happiness to my empty life. That person, who will give me meaning, color and lastly... love.”

"Just a li'l bit more." malapit ko na namang matapos 'yung painting na ginagawa ko. Tambayan ko kasi ang art room kapag wala akong magawa sa school, nagpapaint ako doon... and guess who am I painting. Tama, who at hindi what. Isang portrait ng tao ang pinapaint ko. Isang taong nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Si crush.

Ako nga pala si Dianne Nicole. Hindi naman talaga ako painter, feeling painter lang, kaya nga ang tagal tagal kong ginagawa nung painting ko ehh. Kasi feeling painter lang naman talaga ako. Ni wala nga akong skill sa arts and crafts ehh.

Painting has been my hobby ever since nakita ko siya. Oo, nagsimula ang pagkahilig ko sa pagpinta mula nung nakita ko ang lalaking 'yon. Ang lalaking si "Mr. Headphones". Hindi ko alam pero, para bang ang lakas ng dating niya sa'ken nung nakita ko siya, to the point na ngayon  ehh, pinapatay ko ang oras ko sa pagpipinta sa kanya.

And I don't even know why painting. Basta nagising na lang ako isang umaga then poof! Gusto ko na lang magpaint.

Right now nandoon na ako sa eye parts niya, his gray eyes. Yup, I don't know kung bakit gray ang mata niya, siguro nagcocontacts, pero sino namang magcocontacts ng gray? Siya siguro.

Habang tinitignan ko 'yung mata niya doon sa stolen shot na kinuha ko ay tinignan ko kung maimimix ko ba ang white at black paraa maging gray. Sadly, mas madami akong black paint kesa sa white, so I cannot make gray. Kapag kasi black ang dominant or mas marami, mahihirapan kang maimix siya sa gray, so talagang kailangan  talagang mas dominant ang white, because it's not easy to make a dark color light. It's easier to darken a light color.

At dahil wala pa akong pangmix ng gray ay iniwan ko munang blank 'yung iris niya. I just painted some of his other features, at nung nagbell ay nagdiretso na lang ako agad sa classroom.

After ng klase ay naglakad ako pauwi. Dala dala ko 'yung canvas ko, ayoko kasi siyang iwanan sa art room, baka kasi may makakita pa, nakakahiya kung ganoon 'di ba?

Oo nga pala, I need to stop by the art shop para makabili ng white paint tsaka paintbrush, pati na rin 'yung ibang kailangan ko pang mga materials. Nagdiretso ako sa art shop at pumasok ako sa loob, ang ganda talaga netong art shop na 'to. 'Yung shop kasi designed by handmade paintings, carvings and sculptures, mga talented siguro sa art 'yung may-ari netong shop.

Pero alam mo 'yung nakakatuwang painting dito sa art shop? 'Yung isang painting doon ng babaeng hindi pinaint ang facial features pero ang ganda, kumbaga, walang mata, ilong at bibig 'yung mukha nung babae, pero andoon 'yung hugis ng mukha at style ng buhok niya. Ang ganda.

Lagi kong tinitignan 'tong painting na 'to kapag nandito ako, ang ganda kasi niya. Tapos parang ang mysterious.

Tinignan ko 'yung sign nung artist sa baba ng canvas, may mga ganun kasi, 'yung sinasignan nila'yung artwork nila. Napatingin ako sa babanung painting at nakita ko.

Secretly Admiring you...

[Signed] DG

Napangiti na lang ako nung nakita ko 'yung nakasign doon sa painting, secretly admiring you. Parang ako lang kasi, pinapaint ko kasi si Mr. Headphones. Siguro 'yon na lang din 'yung icacaption ko sa picture if ever matapos ko siya.

Lagi akong nagpupunta muna sa painting na 'to bago ako bumili ng mga gamit na kailangan ko sa store. There's something about this painting that drags me... That special something that lures me in, something unknown yet it maks you feel something that you can't tell by words.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon