ENTRY #21: TSYDK (The Story You Don't Know)

262 3 4
                                    

Buhay, ano nga ba ang buhay. Ito ba yung existence ng mga tao? Ito ba yung araw-araw na nangyayari sayo? O ito ba yung bagay na hindi ko man lang maramdaman. Buhay ako. Alam ko. Pero pakiramdam ko. Patay na ako. Alak, yosi, shabu, marijuana, bato at kahit na ano pang drugs alam ko ang lasa at pakiramdam niyan. Alam ko ang lasa niyan. At alam ko din kung paano nila napapagaan ang buhay ko. Simple lang, Masaya dahil nakakalimot ako sa mga problema ko. Anong klase problema? Simple lang din. Pamilya. Isang pamilyang sira. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Pero wala talaga akong kwenta. Kumbaga sa mundong ito. Isa lang akong alikabok. Sino ba naman ang papansin sa katulad ko. Addict at barumbado. Pero kahit na ganun. Simple lang ang gusto ko. Ang may makakita ng halaga ko sa mundong ito.

Alas-dyis na ng gabi ng pauwi na ako galing sa bar. 19 lang ako pero free na free na ako sa mga bar. Wala eh, isang sampal lang ng pera sa mga gwardiya at matik na pinapapasok na nila ako. Lahat na yata ng masasamang bagay nagawa ko na sa buhay ko maliban ang makipagtalik. Yun kasi ang sabi sa akin ng pumanaw kong mama. Sabi niya sa akin, respetuhin ko ang mga babae. Wag daw akong gagaya sa tatay kong animal. Kung tutuusin. Siya ang may kasalanan ng lahat. Wala siyang kwentang lalaki. Pagkatapos ng pagkamatay ni mama, may kapalit na agad siya. Kaya simula noon. Wala na akong kinilalang ama.

Madilim ang paningin ko. Pagewang-gewang na din ako sa sobrang kalasingan. Wala na akong maramdaman. Gusto ko na lang na matulog na. Pero nabaling ang diwa ko sa isang babaeng umiiyak at nakalumpasay sa tapat ng isang poste. Pinuntahan ko ang babae.

“Hoy miss! Umuwi ka na! delikado na!” Sigaw ko dito. Tumingala ang babae at nagpunas ng luha.

“Ayoko, mas mabuti na dito na lamang ako, kaysa sa bahay, mas ligtas ako dito kaysa sa bahay” paliwanag ng babae sa pagitan ng kanyang mga iyak at hikbi.

Ano naman ang ibig sabihin nito? Samantalang sa labas ng bahay ang mga walang modo at bastos na tao. Maraming masasamang loob sa labas ng bahay. Muli ko siyang sinabihan na umuwi na. Pero hindi niya ako sinunod at nanatiling nakalumpasay.

“bahala ka nga sa buhay mo”

Naglakad na ako pauna sa kanya. Mga limang hakbang. Nilingon ko siya. Pero ganun pa din ang posisyon niya. Naglakad akong muli at matapos ang sampung hakbang. Nilingon ko siya at hindi pa din siya umaalis sa tapat ng poste. Bumalik ako sa kanya at sinigawan siyang muli.

“Hoy miss! Umuwi ka na! saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita!” tumingala muli ang babae sa pagkakayuko nito at nagpunas ng luha.

“wag ka ng mag-aksaya ng oras, pero mas mabuti ako sa labas ng bahay. Lasing ka kagaya niya. Kaya natatakot din ako sayo”

Sa sinabi ng babae, bigla na lamang ako napaisip. Sino ang tinutukoy niya? Sino bang kinatatakutan niya?

“Lasing ako, pero nasa katinuan ako, tara! Ihahatid kita”

“Ayoko!”

“ang kulit mo naman eh”

“mabuti ng dito ako.”

“alam mo, nag-aalala na ang mama mo”

“wala si mama sa bahay”

“edi ang papa mo”

Napatingin siya sa akin. Seryosong tingin na tila may galit sa mundo. “Demonyo si Papa”

Napa-atras ako sa sinabi niya. Biglang nagbago ang tono ng boses ng babae ng sabihin niya ang tungkol sa papa niya. Pinagmasdan ko ang babae at nakita kong nanginginig ang katawan nito at nanggigil sa galit. Hindi magkalayo ang edad niya sa akin base sa nakikita ko. Siguro mga nasa dise-syete o kaya dise-otso lang siya.

“galit ka sa papa mo?”

“Oo”

“bakit?”

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon