ENTRY #23: The Bridge; Unang Halik

208 3 4
                                    

NAGMAMAKTOL si Anilf Rey Villanueva habang papalabas ng bahay nila. Napag-utusan kasi siya ng kanyang ina na bumili sa kabilang bayan ng mga kakailanganin sa pagluluto nito para sa kanilang hapunan.

Naiinis si Anilf dahil naglalaro ito sa computer niya nang mapag-utusan siya.

Isa pa sa rason kung bakit naiinis siya ay dahil sa malayo ang kabilang bayan. Kailangan pa niyang tawirin ang may kahabaang tulay na nagdudugtong sa bayan na pinanggalingan niya sa pupuntahan niya.

Dahil nga sa may kalayuan ang kabilang bayan ay kinailangan ni Anilf na gumamit ng bisekleta.

----------------------

SA TULAY

HABANG nasa may kahabaang tulay na ang binata'y may napansin siyang isang babae na naka-upo sa railings ng tulay.

Nakadama ng pagkabahala si Anilf. Sa pakiwari niya'y tatalon ang babae. Paniguradong magkakalasug-lasog ang katawan nito dahil sa mataas ang babagsakan niya at puro batu-bato pa.

Binilisan ng binata ang pag-pidal para maabutan nga niya ang magandang dilag.

------------------

SAWAKAS ay naabutan nga ni Anilf ang dalaga. Sa puntong yaon ay nakatayo na ito sa railings at handa nang tumalon.

"Wag mong ituloy ang binabalak mo miss. Maganda ka pa naman. Wag mong sayangin ang gandang handog ng nasa itaas sayo." Pagpilit ni Anilf sa dilag.

Nagulat ang babae at muntik nang mahulog pero buti nalang ay nakakapit ito. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses hanggang sa makita niya ang binatang si Anilf. 

Halatang malungkot ang dilag. May luha kasing tumutulo sa mata nito.

"Wag mong ituloy, paki-usap." Si Anilf

"Hindi. Itutuloy ko 'to! Ayoko nang mabuhay pa!"

"Paki-usap miss. Wag mong ituloy! Please lang."

"Itutuloy ko 'to!" Mariing hiyaw ng dalaga.

Napa-isip si Anilf. Parang di niya mapipigilan ang dilag. May biglang pumasok sa isipan niya. Isang magandang ideya.

"Sige, kung di na talaga kita mapipigilan, pwede bang humingi ako ng pabor sa magandang dilag na katulad mo? Isang halik lang bago ka tumalon."

Napa-isip ang dalaga sa sinabi ng binata pero pumayag parin naman ito. Hinalikan nga niya ang binata ......... sa LABI. Hindi lang basta halik, MAY KATAGALANG HALIK.

Nagulat ang binata. Ang balak niya lang kasi ay sa pisngi lang siya hahalikan. Pero masaya parin siya. Unang halik niya kasi yun sa labi at bago ang pakiramdam para sa kanya. Parang nasarapan siya.

"Bakit ka nga pala magpapakamatay miss?" Tanong ng nakangiting binata matapos magkahiwalay ang mga labi nila.

Biglang tumahimik ang babae at bumuntong hininga. Tila nag-iisip ito kung sasagot ba siya o hindi. Pero kalauna'y sumagot naman ito. At sa sinabi ng dalaga'y nagulat si Anilf at halos matumba siya sa kanyang bisekleta .....

"Pinagalitan kasi ako ng parents ko. Ayaw kasi nila akong pasuotin ng mga damit pambabae. Ahmm, by the way, MY NAME IS ...........

DODONG."

( THE END )

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon