ENTRY #16: Waiting Shed of Love

225 1 5
                                    

Crystal’s POV

It’s been two years since then.

“Ry, uwi na ako. OT ka?”

“Oo e. Ingat ka na lang.” Sagot ko sa ka-officemate kong si Cha habang nakatutok sa harap ng PC. Busy ako sa pagta-type.

“Sige. Ingat ka din pag-uwi mamaya. Bye.” Aniya. Sinulyapan ko sya saglit at nag wave.

“Bye!” Usal ko. Humarap na ulit ako sa monitor at ipinagpatuloy ang ginagawa. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto, senyales na umalis na sya. Hays. Mag-isa na naman ako.

“Ang pangit!” Bulalas ko sarili. Binura kong muli ang mga naisulat ko na sa word. Ang hirap mag-isip ng bagong kwento. Dalawang taon na nung maka-graduate ako at nagtrabaho bilang manunulat. Isa akong medyo kasikatang manunulat. Patok ang mga istorya ko, lalo na sa mga kabataan. Bukod daw kasi sa puro happy endings ang lagi kong isinusulat, may aral at inspirasyon daw silang nakukuha. Nakaka-overwhelm tuloy. Kaya mas lalo ko pang ginalingan. Pero nitong mga nagdaang araw, wala na akong maisip na bagong kwentong isusulat. Naubos na ang imahinasyon ko tungkol sa masasayang kwento ng pag-ibig.

“Haaaaaaaaaaays.” Buntong hininga ko. Iniligpit ko na ang mga gamit ko. Grabe. Nakakapagod ang araw na ito. Nakakaantok. Sa bahay ko na lang ito ipagpapatuloy at tatapusin. May isang linggo pa naman ako para sa final draft.

Ite-turn off ko na sana ang gamit kong computer ng matanaw ko ang transparent na bintana nitong opisina namin. Umuulan. Hays. Mukhang pa ayaw akong pauwiin ng panahon. Tss. Medyo asar kong ibinalik ang mga gamit ko sa dati at muling naupo. Nag cross arms ako habang ginagalaw ang inuupuan kong swivel chair. Nakipagtitigan ako sa blankong pahina ng gamit kong word. Dinig ko ang pagsanggi ng mga patak nang ulan sa bintana. Bigla ko tuloy naalala. Umuulan din noon nang una tayong magkita.

Naghihintay ako ng taxi pauwi nang bumuhos ang malakas na ulan. Tsk. Pag nga naman minamalas, wala akong dalang payong! Tumakbo ako sa waiting shed na malapit sa aking eskwelahan para sumilong. Nang makarating ako doon, isang lalaki ang naabutan ko habang naninigarilyo. Ka-school uniform ko sya.

“Anong tinitingin-tingin mo?” Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na nakatitig pala ako sa kanya.

“W-Wala.” Iwas tingin kong sabi. Tumingin ako sa mga nagdaraang sasakyan para maiwasan sya. Nakakatakot ang boses nya. Kung hindi lang sya kagwapuhan, iisipin kong adik sya.

“Sa St. Paul ka rin nag-aaral?” Napatingin ako sa paligid bago ko sya harapin. Itinuro ko ang sarili ko habang nakakunot ang noo.

“A-Ako ba ang t-tinatanong mo?” Halos utal-utal kong sabi. Itinapon nya ang hawak nyang upos ng sigarilyo at dumura bago ako harapin at pukulan ng isang nakakatakot na tingin. Miyembro kaya sya ng isang frat?

“Sino pa nga ba? Ikaw lang naman ang kasama ko dito ah.” Medyo asar nyang sabi. Napataas ang kilay ko. Nakakatakot sya pero, the heck! Hindi ako nagpapaapi! Ayoko ng binabastos ako o tinataasan ng boses. Lalo na pag wala akong ginagawang masama!

“Bakit kasi nagtatanong ka pa?! Hindi ba obvious sa suot kong school uniform?! Geez.” Nakairap kong sabi. Bigla syang tumayo, dahilan para mapaatras ako. May katangkaran ako pero mas matangkad pa sya sa akin. Nakakatakot.

Mas lalo akong napaatras ng maglakad sya papunta sa akin. Gosh. Nagalit ko ba sya? Sasaktan  nya ba  ako? Aish! Kasi naman Crystal e! Dapat hindi ka na lang sumagot!

Ramdam ko ang kaba sa maaari nyang gawin sa akin. Hindi naman ako makatakbo o makasigaw para humingi ng tulong. Masyadong malakas ang buhos ng ulan para gawin ko iyon. Napapikit na lang ako sa takot at napahawak sa laylayan ng blouse ko. Katapusan ko na.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon