ENTRY #53: Write You A Song

92 1 2
                                    

Valentines day, malapit na pala. Ito yung araw na gagawa ng diskarte ang mga lalaki para mapasagot sila ng mga babae ng kanilang nililigawan. Yung iba naman, mag-iisa. Pero ako, hindi na ako mag-iisa. Matagal ko na itong pinag-planuhan. Kung last year hindi ko man ito magawa, pwes! Ngayong taon na ito magagawa ko na.

FEB. 12, 2014

"Gab, ano ba ang magandang e regalo sa isang babae?" tanong ko sakanya.

"Give her flowers" sagot niya.

"Tss, napaka common na kung flowers ang ibigay mo sa kanya. How about Chocolates." sabi naman ni Ray.

"Chocolates? What brand?" tanong ko.

"Alam mo na like: Ghiradeli chocolate, Lindt chocolate, Ferrero Rocher, Thortons chocolate, Hershey's---"

At marami pa siyang dinakdak. Haist. Ang tanging chocolates lang naman ang kaya kong mabili ay yung nasa sari-sari stores gaya ng krim sticks, yung gold coin chocolate atbp. Wala naman kasi akong pera para bilhan siya ng mamahaling gamit. Ay oo nga pala...

"Teka Gab, diba magpinsan kayo ni Geula?"

"Oo. Bakit?" tanong niya.

"um... Ano ba ang alam mo sakanya?"

Si Geula (Ge-yula), ang babaeng minamahal ko since grade 7 pa. Lagi kong inaabangan ang pagdating niya sa  school pero palihim ko lang ito ginagawa. Sa ganda pa lang niya kasi, parang hihimatayin na ako. Hindi man siya kagandahan para sa iba, but she will always be beautiful in my eyes.

So yun nga, hanggang tingin lang ako. Akala ko makokontento na ako sa simpleng pasulyap sulyap at titig sa kanya sa malayuan, hindi pala. Kaya this year, maglalakas akong lumapit sakanya at magbigay ng regalo. The problem is... wala pa akong regalo.

"Mahilig siya sa kulay green at black" sabi ni Gab

"Green at Black?" tanong ko. Saan naman kaya ako makakabili ng chocolates na kulay black at green? 

"Oo. Mahilig din siya sa stuff toys at sa coke. Grabe ang adik niya sa coke."

"Talaga?"

"Oo. Sinasabihan na nga siya ng mama niya dati na wag ng uminom ng coke, pero ayaw magpapigil. And oo nga pala mahilig din siya sa music. Teka, bakit mo ba tinatanong?"

"Ahh wala lang...."

"Wala lang? Hoy! Ikaw ha, may inililihim ka ata sa amin. Crush mo ba si Geula?" sabat ni Roy

"Ayiie! Binata na si Luke! Ano bibilhan na ba kita ng bagong brief?" pang-aasar ni Gab

"Haist! Ewan ko sa inyo. Uuwi na ako, marami pa akong gagawin." Kinuha ko ang bag ko at umalis. Tsk, puro kolokohan nalang ang naririnig ko sakanila *sigh* ewan ko nalang.

****

"Luke, hindi ka pa ba kakain? Aba, kanina ka pa diyan nag i-internet?!" sabi ni mama.

"Sorry po ma, may ni reresearch lang po ako sa assignment namin. Sandali nalang po ito." sabi ko.

"Sige, bumaba ka ha!" sabi ni mama sa akin sabay sirado ng pintuan.

Actually hindi lang naman talaga ang assignment ko ang kailangan may research. Hindi kasi ako nakuntento doon sa mga suggestions ng mga kaibigan ko pero about kay Geula nakatulong naman sa akin.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon