ENTRY #17: The Girl Behind

256 1 6
                                    

Kitang kita ko ang mukha niya habang kausap siya.

Kitang kita ko kung paano sabihin sakanya na ayaw na niya sakanya.

Kitang kita ko kung paano dumaan ang iba’t ibang emosyon sa mukha niya.

Kitang kita ko kung paano nangibabaw ang sakit sa mga mata niyang lagi kong tinitingnan sa malayo.

Kitang kita ko kung paano niya pigilan at mag-makaawa  sakanya, wag lang siya makipaghiwalay sakanya.

At kitang kita ko rin at rinig na rinig ang sinabi niya sakanya na alam kong tumagos sa puso niya.

            ‘’ Sana mamatay ka nalang, para makawala na ako sayo. ‘’

Naramdaman ko na tumulo nalang bigla ang luhang kanina ko pa tinitimpi, ang mga luhang alam kong gustong gusto nang tumulo sa kanyang mga mata, ang mga luhang handang handa kong ialay sakanya.

Tinitigan ko lamang siya habang tulala siya, habang nakatayo lang siya dun, habang nakatingin ang mga tao sakanya sa restaurant, habang kinakaawan siya nila.

Sinundan ko nang tingin ang umiwan sakanya, ang dahilan kung bakit durog na durog ang puso niya, kung bakit,. . .  nasasaktan ako ng gaya sakanya.

Gusto kong magwala, ang lumapit sa babaeng yun at ingudngod ang mukha niyang sobrang kapal, gusto ko siyang saktan, kasing sakit ng  ginawa niya sakanya, kasing sakit ng ginawa niya sa puso niya, sa pusong kanyang kanya pero sinayang lang niya, sa pusong. . . gustong gustong  kong makuha pero kanya na nga, sinayang at dinurog pa niya.

Yumakap kagad ang babaeng makapal sa isang lalake. Sa isang lalakeng kanina pa naghihintay sa kotse, sa lalakeng hinalikan niya ng buong puso at dahang dahang pumasok sa kotse at lumayo.

Lumipad ang tingin ko sakanya at mas lalo akong nasaktan ng makita kong nakatingin pala siya  dun.

Hurt.

Betrayal.

Anger.

Yan ang kitang kita ko sa mga mata niya, sa mga mata niyang lagi kong nakikitang masaya, sa matang. . .  ni minsan ay di man lang tumingin sakin pero kuntento na akong pagmasdan sa malayo.

Agad agad siyang lumabas sa restaurant at nagmamadaling pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito.

Nagmamadali rin akong pumasok sa kotse para sundan siya, nag-aalala ako, alalang alala, dahil baka kung anong gawin niya, baka. . .

‘’ Kuya sundan niyo lang po yung kotse, babayaran ko nalang po kayo kahit na magkano. ‘’

Kahit na makakabawas to sa ipon ko, wala akong pakialam.

Basta para sakanya.

Matagal tagal rin ang nilakbay ng kotse niya, napansin ko ring papaulan na, bigla nalang siyang tumigil at nag-umpisang maglakad.

Nagmamadali kong binayaran ang taxi driver at di na nag-abala pang manghingi ng sukli, kinakabahan kasi ako, baka kung anong mangyari sakanya.

Palihim na sinundan ko siya habang siya ay wala sa sariling naglalakad habang umiinom sa bote ng alak na alam kong ipangcecelebrate sana niya dahil sa gabing ito.

Dahil sa gabing ito kung kailan siya magpropopose sakanya.

Nag-umpisa nang umulan at may naka-nakang kidlat sa kalangitan, pero kahit na nababasa na siya, parang wala lang sakanya at nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang sa huminto na siya sawakas.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon