ENTRY #31: Salvador Del Mundo

156 1 2
                                    

Marami sa atin ang nakaranas na ng sakit at paghihirap. Sapak ng katutuhanan sa mundong ito na mahirap tanggapin. Mga bagay na pinagsisikapan mo pero kahit kaylan ay hindi naging sayo. Kung nakamtan mo man ay hindi ka naging masaya, kasi may kulang.

Marami rin sa atin ang nakaranas ng subrang inggit. Inggit para sa mga matiryal na bagay na kaylan man ay hindi magiging sayo, naging sayo. Inggit para sa kapwa. Inggit dahil sa kung anong meron sila ay ‘yun naman ang wala ka.

Pero marami sa atin nakaranas ng pagmamahal. Pagmamahal para sa ating kapwa. Pagmamahal na galing sa ating kapwa. Pagmamahal mo para sa iyong mga kadugo. Pagmamahal ng iyong mga kadugo para sa’yo. Pagmamahal mo para sa mga bagay-bagay sa mundo. Kay lawak ng salitang ito na halos sakop na nito ang langit. Marami at iba’t iba ang interpretasyon natin dito. Pero isa lang ang naging interpretasyon ko sa salitang ito.

**

Nagsikap ako para sa’yo. Ginawa ko ang lahat para lumigaya ka. Nakaya ko ang lahat ng sakit dahil sa’yo. Ininda ko ang hirap para lang sa kaligayahan mo. Masakit para sa iba pero para sa akin, ito ay masaya. Ganyan kita ka mahal. Pero ikaw na mahal ko, ay mahal siya. Pero siya na minahal mo ay hindi ka mahal.

Naalala mo pa ba noong unang araw na nakita mo siya? Alam mo, masaya ako kahit may kunting sakit dito. Masaya ako dahil masaya ka. Masaya ka dahil kayo na. Mangiyak-ngiyak ka pa no’n no’ng sinagot mo siya. Hindi mo man lang ako sinabihan na kayo na pala. Hindi ka pa nga nanghingi ng payo sa akin kung dapat mo ba siyang sagutin. Basta ang tanging alam mo lang ay mahal mo siya at mahal ka niya.

Nilihim mo ito sa mahabang panahon. Ni lihim mo ito sa akin. Tinanggap ko dahil siguro nga ay hindi tayo gano’n ka lapit sa isa’t isa. Tinanggap ko dahil siguro hindi ako naging parte ng buhay mo, na hindi mo ako mahal. Pero okay lang sa akin ‘yun. Basta ako mahal kita at mahal na mahal kita.

Labis rin akong nasaktan no’ng nakita kitang umiiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang mga hikbi mo. Maswerte siya dahil iniiyakan mo siya. Ganyan ka pala magmahal? Sana naman dumating din ang araw na mahalin mo rin ako. Na iiyakan mo rin ako gaya ng pag-iyak mo sa kanya.

Dahil nga sobra kitang mahal ay pinuntahan ko siya at kinausap. Lalaki sa lalaking usapan. Pinakinggan ko ang side niya. Nakinig ako sa lahat ng detalye kung bakit kayo nag-away. Huwag mo sana isipin na nangi-ngi alam ako pero ginagawa ko ito para tumigil ka na sa pag-iyak mo at ngumiti ka na ulit.

Nagkabalikan kayo at naging masaya ka na ulit. Wala naman tayong naging problema dahil maganda naman ang mga marka mo sa paaralan. Nakikita ko naman na nagsisikap at nag-aaral ka ng mabuti.

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan. Hindi na kita masyadong nakikita dahil naging busy na ako sa trabaho. Hindi na kita madalas nakikitang kumakain dahil hindi nagkakatagpo ang mga oras na’tin. Hindi naman sa kinalimutan na kita pero nagsisikap lang ako para sa iyo.

Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Sabado iyon ng gabi. Nasa sala ako no’n at tinatapos ang mga reports ko sa trabaho ng pumasok ka sa pintuan. Mugto ang no’oy maganda mong mata, maputla ang no’oy maputi mong balat, magulo ang no’oy tuwid mong buhok na abot sa siko at natatabunan ng magulo mong buhok ang maganda mong mukha.

Agad kong iniwan ang aking ginagawa at nilapitan kita. Gusto kong itanong sa’yo kung ano ang problema mo. Kung nag-away na naman ba kayo ng boy friend mo. Dahil handa akong puntahan siya ngayon at ipagkasundo ulit kayo. Pero napatigil ako no’ng tiningnan mo ako ng masama. Para bang sinasabi ng mga mata mo na galit na galit ka sa akin, kinasusuklaman mo ako at bweset ako sa buhay mo. Nilabanan ko ang mga titig mo at binalak kong magsalita pero minabuti kong manahimik na lang. Walang pasabing naglakad ka at tumuloy sa kwarto mo.

Simula sa gabing iyon ay labis akong nagalala sa iyo. Bakit ba kasi hindi mo magawang sabihin sa akin kung ano ang problema mo? Naghintay lang ako ng naghintay. Pero hindi kita matiis kaya pumasok ako sa kwarto mo. Naka sara ito kaya kinatok kita, kinatok ng kinatok ko ang pintuan pero hindi mo ako pinagbubuksan. Kaya napilitan akong gumamit ng susi.

Pagkabukas ko ng pinto mo ay napaluhod ako. Nanlambot ang no’oy matigas kong tuhod. Naninikip ang dibdib ko na halos hindi ako makahinga. Binalot ako ng takot, takot na mawala ka sa akin. Mawala ulit ang isa sa mga babaeng naging lakas ko, naging buhay ko.

Tumayo agad ako at nilapitan katawan mong may bahid ng dugo. Agad kitang kinarga at sinakay sa sasakyan. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa hospital. Pinapanood kita mula sa salaming bintana ng pintuan. Nagdadasal na sanay huwag kang kunin sa akin. Hindi ko na kayang mabuhay na wala ka. Tama na ang sakit na naramdaman ko noon. Kung mauulit man ngayon ay hindi ko na kaya, hinding-hindi ko na kaya.

Sadyang kay bait Niya dahil pinakinggan niya ang dasal ko. Nailigtas ka ng mga doctor, ibinalik ka Niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Hindi kita kaylan man iniwan sa hospital. Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa makalabas ka. Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa humilom na ang sugat sa pulso mo at dyan sa puso mo.

Pero bakit hindi ka masaya? Bakit inaway mo ako at sinabihan na sana hindi na lang kita dinala sa hospital. Bakit? Hindi ka ba masaya na makasama ako? Hindi mo ba talaga ako mahal? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa mga kasalan na ginawa ko noon. Sa mga kasalanan na matagal ko nang pinagsisihan. Sinisisi mo pa rin ba sa akin kung bakit namatay ang mama mo? Kinamumuhian mo pa rin ba ako dahil Drug dealer ako? Hindi mo pa rin ba naiintindihan kung bakit ako pumasok sa trabahong iyon? Kulang pa ba ang mga ginawa ko, anak? Pero kahit nasaktan mo ako ay hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo. Handa akong tanggapin ang lahat, ang lahat-lahat.

No’ng sinabi mo sa akin ang dahilan kung bakit gusto mo akong iwan. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko, ito ay ang puntahan siya. Siya na duwag, siya na manloloko, siya na nanakit sa’yo at siya na ama ng anak mo.

Alam mo ba no’ng makita ko siya ay gusto ko siyang patayin? Ipaparanas ko sa kanya kung anong sakit ang nararamdaman ko. Pero inisip pa rin kita. Alam kong kahit sinaktan ka niya ay mahal mo pa rin siya. Ganyan ako sa’yo at ganyan ka rin sa kanya, ‘di ba? Kaya kinausap ko siya at kinumbinse na panagutan niya ang anak niyo. Nagtimpi lang ako at hindi naniwala sa mga sinasabi niya, sa mga rason niya kung bakit hindi niya pananagutan ang bata.

Anak, marami ba akong hindi alam sa’yo? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya pero gusto kong marinig galing sa’yo ang sagot sa mga katanungan ko. Hindi lang ba isang lalaki ang naging boy friend mo? Hindi lang ba isang lalaki ang minahal mo? Bakit, anak? Kulang pa ba ang pagmamahal ko sa’yo? Hindi ko alam kung ano ang kulang kaya sabihin mo sa akin. Anak, mah

**

Pinunasan ko ang lahat ng luha sa aking mga mata. Hindi na natapos ni papa ang sulat na ito dahil sumuko na ang kanyang puso. “Alam ko ang karugtong nito papa, alam na alam ko dahil labing pitong besis mo sinulat ang salitang ito. Ito ang salitang pilit mong pinapadama at binibigay sa akin. Ito rin naman ang salitang pilit kong hinahanap sa kung sino man. Hindi lang talaga kita matanggap noon papa. Pero namulat na ako ngayon, pero huli na.” Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

“Mas masakit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman mo no’n, ‘di ba papa? Nakayanan mo ang sakit sa mahabang panahon. Hindi ko inakalang ang lakas mo pala. Ang swerte ko palang anak,” tumayo ako at lumapit sa silya na nasa gitna ng kwarto ko.

“ Sa mga sakit na tinanggap mo galing sa akin ay alam ko na kulang ang paghingi ko ng kapatawan sa iyo papa. Napuno na ang puso mo sa lahat ng sakit na pinadama ko sa’yo. Pero hihingi pa rin ako ng kapatawaran. Sanay mapatawad mo ako sa lahat-lahat papa.” Umakyat ako sa upuan at hinawakan ang lubid.

“Papa, mama, sa susunod na pagkikita na’tin ay ipapangako ko na magiging mabait na ana na ako. Pangako iyon,” sa huling sinabi ko no’n ay agad kong ipinasok ang ulo ko.

Ngayon, tiyak na tiyak na ang kamatayan ko dahil pumanaw na ang Saldavor Del Mundo ng buhay ko.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon