ENTRY #28: Past vs. Present

185 1 3
                                    

Mabuti pa dito sa rooftop sobrang tahimik, walang manggugulo sa buhay ko.

“Just like I thought, you’re here. How’s life, Keiko-chan?” rinig ko mula sa likod ko at pagtingin ko siya lang pala.

“Senpai.” Matipid kong sagot.

“How many times do I have to tell you to not call me senpai when it’s just the two of us?” sermon niya sa akin. Nagtampo na siguro. Tsk.

“Oh, I forgot. Gomenasai, Naoki-kun.” sabi ko sa kanya pero di siya sumagot at sa halip tinabihan niya ako. Nandito kasi kami sa rooftop e, tambayan na naming dalawa ‘to every free time namin.

“Kumain ka na ba?” tanong niya sa’kin. Wow biglang nagtagalog si Naoki-kun.

“Yep, kumain na ako. How about you,Naoki-kun?”

 

“I’m done also. So, How are things right now, Keiko-chan?” tanong niya uli sa akin. Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

“Ganun pa din. Walang pinagbago.” Sagot ko tapos sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

“Don’t make things so complicated for you,Keiko-chan. I don’t want you to suffer anymore.” He said pero nginitian ko lang siya saka ako tumingin sa langit ang ganda kasing tignan ng langit ngayon e at saka ko naalala ang lahat.

            Nagsimula ang lahat noong  first year high school palang ako. By the way I’m Keiko, Keiko Nakahara, 15 years old, ¾ Filipino and ¼ Chinese. I’m an otaku kaya medyo sanay din ako sa pagjajapanese that’s why minsan nagjajapanese ako. NapakaAnti-Social kong tao kaya kokonti ang mga kaibigan ko until someone approach me and asked me if I can be his friend, that someone was Naoki-kun. Naoki Yamato, 16 years old, half Japanese and half Filipino kaya marunong siya magtagalog pero hindi pa rin siya sanay. Naoki-kun’s my EX-BOYFRIEND. Yeah, mag-ex kami pero close pa rin kami kasi saying yung friendship naming that’s why we decided na kahit hindi na kami walang magbabago sa turingan namin. From then he always protects me even though he’s busy with the student council, he’s always by my side until one day things change, a major change in our lives.

“Nabalitaan niyo ba na may bago raw tayong nurse sa infirmary? Kyaaahhhhhh!” tili nung isa kong classmate. Basta may bago sa campus at gwapo nagkakaganyan na sila. Oh well wala naman ako dun kaya dapat ko lang silang hayaan, mas mabuti pang magpahinga na lang ako dito sa room naming kaysa sa makipagchismisan sa kanila about sa nurse na yun.

“Hey, Keiko hindi ko alam if dapat ko ‘tong sabihin sayo pero kasi close kayo e.” sabi nung seatmate ko.

“What is it?” I asked her curiously.

“Si Naoki dinala daw sa infirmary kasi nawalan kanina ng malay. Narinig ko lang yu---“ hindi ko na siya pinatapos pa kasi tumakbo na agad ako papunta sa infirmary para kamustahin siya at sa katarantahan ko hindi na ako kumatok at basta ko binuksan yung pintuan sa infirmary.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon