ENTRY #18: Hide and Seek

330 11 8
                                    

“18, 19… 20!” sigaw ni Amelia, naglalaro sila ng tagu-taguan ng kanyang kambal na anak na pawang anim na taong gulang, sina Alexandra at Alexander. Kahit gabi na at malakas ang ulan sa labas ng kanilang bahay ay hindi alintana ni Amelia ‘yon. Tuwang-tuwa siya sa pakikipaglaro sa kanyang mga anak. “Asan na kaya ang mga batang ‘yon?” bulong niya sa sarili.

Naglakad-lakad siya sa malaking bakuran ng kanilang bahay, napapaligiran ito ng malalaki at mayayabong na puno, may mga talahib din sa paligid. Hindi rin madali ang maghanap lalo’t madilim na at dahil nga umuulan ay walang buwan na nagbibigay liwanag sa paligid ngunit para mapasaya ang mga anak ay iwinaksi niya ang hirap ng paghahanap. “Huli kayo!” malakas na sigaw niya at tumawa pa siya nang tingnan niya ang likod ng malaking puno. Ngunit wala doon ang kanyang mga anak.

Muli siyang naglakad, gumuhit sa kanyang labi ang kakaibang ngiti nang makita niya ang isang malaking drum sa likod ng kanilang bahay. “Makikita ko na kayo…” mahinang sabi ni Amelia. “Huli!” sigaw niya ulit nang makita ang loob ng drum at ang likod nito. Ngunit gaya ng nauna, bigo ulit siyang makita ang kanyang mga anak.

Nagpaikot-ikot siya sa paligid ng kanilang bakuran, kahit basang-basa na siya dahil sa ulan, hindi na niya iyon pinansin. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng takot nang hindi na niya makita ang kanyang dalawang anak. “Alexander! Alexandra! Asan na kayo?!” natataranta na siya sa mga oras na ‘yon. “Hindi na ako nakikipaglaro! Sige na! Panalo na kayo! Lumabas na kayo!”

Walang Alexandra at Alexander ang sumasagot. “Lumabas na kayo! Kakain na tayo ng dinner. Ang unang lumabas, bibigyan ko ng pizza at ice cream.” Bigla siyang nakarinig ng hagikhik sa backdoor ng bahay kaya patakbo siyang pumasok sa loob hanggang sa makarating sa kusina, nabigla siya nang makita niya ang nagkalat na dugo sa loob. “Alexander! Alexandra! Lumabas na kayo!” pero wala pa din siyang nakuhang sagot mula sa mga ito.

Hindi na siya makapag isip ng matino, nagmamadali siyang kinuha ang telepono at agad na tumawag ng pulis, ilang minuto lang ay sinagot din ang kanyang tawag. “Yes, I need help. My children are missing! Opal Street, 15 Opal Street… i-i was playing hide and seek with them.” Nag simula na mangilid ang kanyang mga luha. “I-I searched everywhere but i couldn’t find them, then I found the door open and they’re not here but I saw a lot of blood!” natatarantang sabi niya sa kausap na nasa kabilang linya.

“Ha?! Ano?! Paano ako kakalma kung hindi ko makita ang mga anak ko? At isa pa, may nakita akong dugo, sige nga sabihin mo sa’kin kung paano ako kakalma?!” galit at pasigaw na sabi ni Amelia sa kausap.

“Naiintindihan ko po kayo. Mabuti pa, manatili kayo diyan sa loob ng bahay at isara niyo ang lahat ng pinto at i-lock, pupunta na kami diyan,” Sabi ng taong nasa kabilang linya, magsasalita pa sana siya nang biglang nag-hang ang kabilang linya, sa sobrang inis niya ay naibato niya ang telepono.

Sinundan niya ang parteng nabahiran ng maraming dugo, papunta ito sa unang kwarto na malapit sa hagdan. Pinihit niya ang seradura ng pinto, pagpasok niya doon ay mas maraming dugo pa ang nakita niya pati ang kama ay puno rin ng dugo.

Sinundan niya ng tingin ang bakas ng dugo at papunta ito sa loob ng cabinet. Napatakip siya ng bibig. “A-lexander… A-lexandra… mga anak…” nanginginig siyang lumapit papunta sa cabinet. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit, nakita niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin.

“Hindi!” malakas na sigaw niya. Kasabay nun ang paglabo ng kanyang paningin at ang pagdilim ng buong paligid.

****

“Iniwan niya ako! Papatayin ko siya pati ang babaeng ‘yun! Mga walang hiya!” sigaw ni Amelia sa kawalan habang yakap-yakap ang manikang putol ang ulo.

AUDITION ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon