Chapter 5: Jealous

968 19 0
                                    

// JHAYZ'S P. O. V. //

Nagkekwentuhan na naman kami ni Mark Joy, ng nakaramdam kami parehas ng gutom. Sabi ko ako nalang ang bibili. Kaya iniwan ko si Mark Joy dun sa upuan nya.

Nasa pinto ako nung time na yun ng makita ko sila Joven, at may kaholding hands na babae. Classmates lang namin yung babae, di ako sure sa pangalan, pero tingin ko yung Aryan yun. Napatigil ako sa pinto. Kaya napahinto din sila saglit. Pero agad dumeretso din sila pumasok.

Tumakbo ako papuntang canteen. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakakainis. Ayoko sana ng ganito pero di ko mapigilang magselos. Di ko alam pero parang mahal ko na sya na parang hindi. Siguro infatuation lang to kaya ganito nararamdaman ko. Di pa naman ako sure eh. Pero bakit ba ako nasasaktan? Deserve ko ba talaga? Eh wala namang namamagitang ibang relasyon saming dalawa eh. Ni pagkakaibigan nga wala eh. Ay! Basta, pipigilan ko nalang di umiyak, para naman di ako magmukhang sawi. Pumunta na muna ako sa C.R. at inayos ko ang mukha ko. Paglabas ko ay nakita ko si Rachelle na palabas na ng C.R. ng girls.

"COUZ!!! OMO!!! Kamusta na?! Happy kaba sa new classroom mo? Huh? Ano? Kamusta na kayo ng... Uhmm alam mo na?" Pabiro naman na sabi ni Rachelle.

Kahit kasi di kami nagkikita nito ay nagkakachat parin kami. Kakamiss nga tong kausap eh.

"Anong alam mo na?! Napaka malesyosa mo talaga Couz! Ewan ko sayo! Tumahimik ka nga! Para kang ewan."

"So ano na nga? Anong akala mo sakin? Di updated? Akala mo di ko alam na katabi mo sila Joven at Mark Joy. Hmp! Nakakainis ka. Buti ka pa." Bigla naman tumalikod si Rachelle.

"Ano kaba couz! Wala kang dapat ikabahala. Di ko naman sya aagawin sayo eh. And haler?! Mas maganda ka kaya kaysa sakin!" Biro ko naman sa kanya, kaya bigla syang humarap.

"Talaga ba? Uhhh, magpinsan nga talaga tayo. Don't worry couz, halos pantay naman ang ganda natin diba?! Ahahaha!"

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon