Chapter 22: Heart condition

346 8 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Next week ay last week na ng October. Which means, next week na ang semestral break. Hay salamat, at pwede na akong magpahinga. As of now ay nasa classroom ako. Ewan ko ba kung kailan last week ng ng semester ay tinatamad na ako pumasok. Aishh!

And sa Thursday and Friday na ang final exam namin. Kaya todo review naman ang mga classmates ko. Sumasama din ako sa kanila at nakikinig. Kasi sayang din eh. Gusto ko sanang ayusin na ang pagaaaral ko kaso tinatamad naman ako. Aishh! Ayoko na talaga ng ganito. Gusto ko ng magsem-break!!!

"Jhayz! Ayos ka lang?" Si Joven na kanina pa pala nakatingin sakin, habang ako ay nakatulala.

"Ayos lang ako!" Inis kong sabi sa kanya."Tsaka wag muna akong kausapin. Pabayaan mo na ako!"

"Sumama ka sakin." Agad nyang hinablot ang kamay ko. As usual, di na naman ako nakaimik.

Nasa roof top kami ngayon ng building. Ano naman kaya ang gagawin namin dito?! Bakit ba kasi anlakas mambwiset ng lalaking to! Lagi nya nalang sinisira ang araw ko.

"Ano ba problema mo Joven?! Kita mo ng nagrereview pa ako eh!" Sabi ko sa kanya nung bumitaw ako sa kanya. Syempre wala lang syang imik, dahil wala naman syang pakialam sakin.

"Ikaw! Ikaw ang probelma ko! Alam ko na iniiwasan mo ako! Pero bakit? Akala ko ba nag-usap na tayo na magkaibigan na tayo?!" Galit na sabi ni Joven.

Kung galit na sya, mas galit ako! Ang lakas ng loob ng mokong na ito na magalit. Eh sya nga dyan ang ang nag-umpisa! Di ba sabi nya na dumistansya nalang ako sa kanya! Ano ba naman yung simpleng kondisyon nya, at di nya kayang gawin!

"Di ba sabi mo, dumistansya nalang ako sayo?! At tsaka, pwede ba! May girlfriend kana Joven! Di mo na ako kailangan pang guluhin! Wala akong balak manira ng relationship ng iba! Kaya pwede ba, wag mo na akong guluhin!" Sabi ko at tumalikod ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo Jhayz?! Hindi kita maintindihan! Harapin mo nga ako!" Bigla nya akong hinawakan sa braso ng mahigpit.

"Bitawan mo nga ako Joven! Nasasaktan ako! Anu ba?!" Sigaw ko sa kanya habang sinusubukan kong bumitaw sa pagkakahawak nya.

"Hindi. Hindi kita bibitawan hanggat hindi tayo nakakapag-usap ng maayos. Now tell me, nagseselos kaba samin ni Aryan? Hindi mo parin ba nagagawang magmove on sa feelings mo para sakin? Huh Jhayz?!" At tinitigan nya ako sa mata at dahil dun bigla akong tumigil sa pagsubok ko na bumitaw sa pagkakahawak nya.

Nanghina ako sa sinabi nya sakin. Hindi ko mapigilang umiyak, kaya tuluyan ng tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Sobra akong nasaktan sa sinabi nya.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon