Chapter 49: They're Back

269 8 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Madaling lumipas ang araw at ngayon ay araw na ng graduation na nilang dalawa. Ilang araw bago  ang graduation nila ay dumating na ang magulang nila g dalawa. Kaya naman mas naging masaya ang kanilang pagtatapos sa college. Lalong lalo na si Jhayz dahil ngayon lang ulit naranasan ni Jhayz na nakasama nya ang kanyang ina sa kanyang pagtatapos.

Kumain sila sa isang sikat na formal dining restaurant malapit sa kanilang condominium. Nang makauwi na sila sa condominium ay doon na nila pinag-usapan ang tungkol sa kanilang kasal. At gaganapin na nga ito sa isang private beach resort sa Hawaii. At syempre, doon na rin sila magha-honey moon.

Hanggang sa ganapin na ang kanilang nakatakdang pagpapakasal sa Hawaii. Sa wakas, ganap ng Chavez si Jhayz. At ng matapos ay doon sila tumira for two months. Konti lang ang oras nila para sa kanilang honey moon dahil kailangan na nila bumalik sa kanilang trabaho.

---

After two years...

Ganap ng babae si Jhayz ngayon. Pumayag na kasi sya na magpasex change, dahil yun ang gusto ni Wilson para sa kanya. Mayroon na syang mahabang bohok, at gayun na din ang kanyang malaking hinaharap, at may pribadong parte narin sya ng babae. Sinadya nyang hindi baguhin ang kanyang mukha. Dahil yun na talaga ang natural na kagandahan nya na ayaw nya ng baguhin. Dahil ang mukha nya ay pangbabae talaga dahil sa maganda nyang ngiti, matangos na ilong, mahahabang pilik mata, pantay na kilay at makinis na mukha. Kaya babaeng babae talaga sya tignan. Pati narin ang kanyang katawan ay wala syang pinabago, dahil pati din iyon ay natural na at di na kailangan pang baguhin.

---

Nakaleave si Jhayz ngayon dahil nagkasakit sya pero, ngayon ay magaling na sya at bukas na bukas ay papasok na sya sa kanyang trabaho. Naiwan sya mag-isa sa kanilang bahay dahil nasa trabaho si Wilson ngayon sa isang welding company. At isa na sya sa mga supervisors doon.

Habang nagpapahinga sya sa kwarto nila ay naisipan nyang tumawag sa kanilang establishment. Halos mga filipino din ang mga empleyado doon pwera sa may ari ng establishment kaya hindi mahirap pakiusapan ang mga empliyado dito.

Calling...
"Yes, Jhayz? How are you? Do you need help?" Si Chelsea, isang American na naging kaibigan nya ng nag-uumpisa pa lamang sya dito sa America, 6 years ago.

"Oh, Chelsea? Can you inform them that I'm going back at my work starting tomorrow." Saad ni Jhayz.

"Are you sure about that? Well, anyway Mr. Sanford told me last time that as soon as you comeback, please go to his office, he wants to talk with you." Sabi ulit ni Chelsea.

"Really? But why? Do I did something wrong?" Natatakang saad ni Jhayz.

"No Jhayz, I've heard that he needs you to manage his restaurant in the cruise ship in the Philippines. That is what I've heard from other employees here." Paliwanag ni Chelsea.

"Oh, really? It's a good news. By the way, thanks for that information. So, bye for now. See you tomorrow." Medyo wala sa wisyo nyang saad.

Pinatay na nya ang tawag at inilapag ang phone nya sa table katabi ng bed. Nang sabihin kasi yun ni Chelsea ay bigla syang natahimik. Kahit na pinagplanuhan na nila ni Wilson ang pababalik sa Pilipinas ngayong taon ay parang hindi parin sya handa. Kaya ko to! Di ako papaapekto sa kanya, pagnagkataon man na magkita kaming dalawa. Sabi nya sa sarili nya.

Kinabukasan ay agad na syang pumunta sa office ni Mr. Sanford, ang owner ng restaurant na minamanage nya. Tama nga ang narinig ni Chelsea, na ipapadala sya sa Philippines para imanage ang isa nitong restaurant sa barko. Magiging isa na din syang seaman pagnagkataon. Pagkatapos syang kausapin ni Mr. Sanford ay nagtungo na agad sya sa establishment nila.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon