Chapter 6: Love or Trouple

830 20 0
                                    

// JHAYZ P. O. V. //

Almost 2 months na kaming magkakaclassmates. At sa 3 weeks na yan ay sobrang close na namin sa isa't isa. Nakakasabay na ako sa mga tawanan at kulitan ng section na ito. Well, isa ito sa mga memorable thing na hingding hindi ko makakalimutan. Kasi feeling ko, ngayon lang ako nagkaroon ng section na puro kalokohan ang ginagawa at hindi ka maboboring o mao-OP dahil lahat involve.

Naging close naman kami ni Joven, ang kaso sa sobrang close namin ay sobra sobra ang pang-aasar nya sakin. Halos araw araw ang pang-aasar. Not literary bullying ang tawag, yung medyo slight lang na asar, no emotions involve.

Naiinis lang kasi ako kapag inaasar nya ako kay Mark Joy eh, kaibigan ko lang yun. Porket lagi nya kaming nakikitang magkasama. Kaya yun, medyo iniiwasan ko na si Mark Joy. Pano ba naman pati mga classmates ko ay nahawaan na ni Jhoven ng pagiging malesyeso. Nakakainis...

But may times na inaasar ako ni Jhoven na may gusto daw ako sa kanya. Well, todo deny naman ako. Tapos minsan naman yayakapin ako nun, tapos hahaplusin ang mukha, at kamay. Nakakainis kasi ayoko na umasa na magugustuhan nya ako. Well, hindi ko kayang umamin pero, dumating ang araw na gigimbal sa buong school. Dahil ang ate ko ay nalaman nya na crush na crush ko si Jhoven. And hindi ko aakalain na sya pa ang magsasabi nun sa mga classmates ko, at ibang sections na may kakilala sya. Lagi kasi kaming magkaaway ng kapatid ko eh. Kaya yun, halos matunaw ako dahil sa tingin ng mga kaibigan ko sa akin. Pero mas malala yung nangyari. Dahil nalaman ito ng pinsan ko. At si Rachelle pa ang unang pinagsabihan ng kapatid ko. Nakakainis kasi bakit kailangan pang ipagkalat ng kapatid ko. Kaya sinubukan kong kausapin si Rachelle. Pero hindi nya ako pinapansin. Nararamdaman ko ang galit nya sa akin dahil sa mga post nya sa Facebook. Halos patama sa akin. Kaya di ko nalang inintindi iyun.

After 3 months, nagkaroon kami ng Recollection kada year level. Dun kami nagkaroon ng time na ilabas lahat ng feelings namin. Kinausap ko si Rachelle about what happen between us. Nagpromise kasi kami dati na kapag may gusto na ang isa ay wag ng tatangkain pang gustuhin din. Pero di ko na pigilan eh. Kaya ko naman siguro kung di lang sinabi ng kapatid kong haliparot.

"Ah, Couz? S-sorry. I hope you will accept my apology. It's been 3 months since nagaway tayo. Ayoko sana ng ganito. But I do really feel that until now ay galit ka parin. But, hindi ko kayang nagaaway tayo. So, please, Rachelle? Bati na tayo." Naiiyak kong sabi.

"Jhayz, sa totoo lang. Hindi naman talaga ako galit sayo eh. Naiinis lang ako dahil nagsinungaling ka sakin. Siguro, mas OK kung ikaw mismo nagsabi nun sakin. Pero hindi eh. Inunahan ka ng kapatid mo. Kaya sobra akong nasaktan. Diba nga nagpromise ka sakin na hindi tayo magsesekretuhan sa isa't isa? Nagpromise ka Jhayz! Pero binigo mo ako. Siguro mas mabuti nang dumistansya muna tayo sa isa't isa." Umalis na si Rachelle sa kinauupuan nya.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon