Chapter 43: Plans

257 7 0
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

8:30am. Nagising silang dalawa ni Wilson sa sigaw ng Mama ni Wilson mula sa pintuan. Hindi kasi ito naka-lock. Tinatawag na sila para mag-almusal. Tanghali na kasi, kaya kailang bumangon na sila. Unang tumayo si Jhayz, pero napansin nya na ayaw pang bumangon ni Wilson. Kaya naman kung ano ano ang ginawa nya para bumangon na ito.

Kinuha nya ang dalawang kamay ni Wilson at tsaka hinila para bumangon. Pero nagpapabigat lang si Wilson para di sya makaya ni Jhayz. Nainis si Jhayz kaya nilapitan nya si Wilson sa mukha. Piningot nya ang ilong nito para di makahinga, pero naisip nya na kaya nitong huminga sa bibig kaya tinakpan nya naman ito. Natawa sya sa ginagawa nya pero agad naman itong inalis ni Wilson.

"Pag di ka talaga bumangon dyan Wilson, kukuha na ako ng isang pitchel ng tubig sa baba at ibubuhos ko sayo! Isa! Bumangon ka na!" Inis na sabi ni Jhayz habang hawak nito ang kamay at nagsimula nya ulit ito hilahin.

"Kiss mo muna ako." Nakangiting sabi ni Wilson habang tinuturo nito ang kanyang pisngi.

"Aish! Tumigil ka nga!" Ani Jhayz at agad binitawan ang kamay ni Wilson. "Kung ayaw mo bumangon di wag!" At naupo sya sa gilid ng kama.

"Grabe naman to! Dali na, kiss lang naman eh!" Paglalambing nito kay Jhayz.

Kahit naiinis si Jhayz ay gagawin nya parin ang gusto ni Wilson. Tsk. Kung di ka lang talaga gwapo, di ko to gagawin sayo! Sabi nito sa sarili.

"Fine. Basta bumangon ka na pagkatapos ah." Ani Jhayz at tumango naman si Wilson.

Habang nakaside view ang mukha ni Wilson ay unti unti nya ng inilalapit ang mukha nya. Nung malapit na sya sa pisngi nito ang pumikit sya. Juicecolored! Patawarin mo sana ako sa gagawin ko. Sabi na naman nito sa sarili. Sobrang lapit na sana sya nun ay biglang iniharap ni Wilson ang mukha nito at naglapat ang mga labi nila. Nagulat si Jhayz sa nangyari at tila na estatwa ito. Walang sino man sa kanila ang gumagalaw. Ilang saglit pa ay...

"Anak, sabi ng... Ahhhhh!!!" Bulalas ni Imelda ng pagpasok nya sa kwarto ng anak nya. Biglang naghiwalay ang dalawa dahil sa gulat. "ANONG GINAGAWA NYO?!"

"Ah-eh, Uhmm, tita magpapaliwanag ako." Tarantang sabi ni Jhayz.

"What do you need to explain?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Imelda. Bigla naman dumating si Tita shine.

"Tita kasi---" Naputol ang sasabihin nya dahil inunahan na sya ni Wilson.

"Ma, kami na!" Matapang na sabi ni Wilson.

Muli nagulat na naman si Jhayz sa sinabi ni Wilson. Nilamon si Jhayz ng takot, kaba at hiya kaya hindi na sya nakapagsalita pa.

"ANO?!" Bakas dito ang pagkabigla. "Kailan pa?"

"Ate, sa tingin ko kailangan nyong pag-usapan to ng maayos. Mag-almusal na muna tayong lahat bago kayo mag-usap usap." Ani Tita Shine. "Sumunod na kayong dalawa sa baba. Halika na kayo."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon