Chapter 37: Moving Up Ceremony

243 10 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Araw na ng moving up nila Jhayz.
Nasa kwarto lang sya pero hindi parin bumabangon ng higaan nya. Wala ata syang balak umattend ng moving up, tutal naman daw wala ang magulang nya para sabayan sya sa pagmarcha papasok ng simbahan.

Inaalala nya parin nya ang nangyari kahapon. Sobra syang nasasaktan ngayon.

"Couz?! Buksan mo nga 'to! Please lang, mag usap tayo!" Pagkalabog ni Rachelle sa pinto nya.

Walang pag aalinlangan na binuksan ito. Umupo si Rachelle sa tabi nito at nag usap sila.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Wala ka bang balak umattend ng moving up? Tsaka bakit sobrang maga nyan ng mata mo? Umiyak ka ba?" Pagtataka nyang tanong.

"Wag mo na ako alalahanin. Ikaw, mag ayos kana. Hindi na ako aattend ng moving up. Masama pakiramdam ko, tsaka wala naman aattend sakin para samahan ako magmarch diba? Kaya okay na dito nalang ako." Ani Jhayz.

"Hindi! Aattend ka sa ayaw at sa gusto mo. Hindi pwedeng hindi ka umattend, tsaka mamaya may thanksgiving & farewell party tayo mamaya. Magdamagan yun, for sure mageenjoy tayo dun!" Panghihikayat nito.

"Nandoon ba si Joven?" Ani Jhayz.

"Natural! Lahat ng kabatch natin nandoon." Pagtataka parin nitong sagot. "Tsaka, ano bang iniisip mo ngayon at parang wala ka sa sarili mo--- teka? Tungkol ba 'to kay Joven? May ginawa ba sya sa---" Biglang tinakpan ni Jhayz ang bibig nito.

"Pwede ba wag ka nalang makialam! Sige na, aattend na ako. Umuwi kana sa inyo. Wala na ako sa mood makipag usap sayo." Tumayo na si Jhayz at pumasok ng bathroom.

Umuwi na si Rachelle para mag ayos. Naghanda na si Jhayz ng mga susuutin nito at pumunta na sa school.

---

Nasa school na ang lahat, at 5 minutes mag uumpisa na ang ceremony. Wala syang kasabay sa pag march papasok.

"Jhayz? Asan ang parents or guardian mo? Ba't di mo sila kasama?" Ani adviser nya.

"Kasi ma'am, yung Mama ko nasa ibang bansa, and yung Tita ko naman ay sinamahan yung kapatid ko kasi sabay po ang graduation namin." Ani Jhayz.

"Ah, ganun ba? Ako nalang ang sasabay sayo sa pag march papasok." Masayang sabi nito kay Jhayz.

"Talaga ba ma'am?" Gulat nitong sabi.

"Oo naman. Para kahit itong araw na ito ay maging memorable sayo."

"Salamat ma'am!" Ani Jhayz at agad niyakap ito.

---

Maya maya pa ay nag-umpisa na ang ceremony. Nag umpisa sa invocation hanggang sa matapos ang ceremony sa closing prayer.

Pinagmasdan nya lang si Joven hanggang matapos ang ceremony. Tila wala ito sa sarili, ni hindi nya pinapansin ang mga taong tumatawag sa kanya. Mabuti nalang at agad syang kinalabit ng katabi nito upang umakyat sa stage para iabot ang certificate.

Nasa labas na sya ngayon ng school naglalakad mag-isa.

"Jhayz! Wait. Sabay na tayo." Ani Mark Joy.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon