Chapter 44: Finding My Love

253 7 2
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

( Happenings to Joven... )

Hindi na alam ni Joven ang gagawin nya dahil hanggang ngayon pala ay hindi parin sya napapatawad nito. Sobra nyang pinagsisihan ang lahat. Sinabi sa kanya ni Faye yung huli nilang pag-uusap tungkol dito. Totoo ngang mahal nito si Joven, dahil nasabi nito na nag-aalala ito sa kanya kahit na sobra ang galit nito kay Joven. Sobrang namimiss na nya si Jhayz, sana ay magkita sila ulit at makahingi sya ng tawad dito.

Sa totoo lang, yung ibang ginawa ni Joven kay Jhayz na naging dahilan para mapasaya nya ito noon ay totoong totoo. Minsan, hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya kapag kasama nya si Jhayz. Natitiis nya na maghintay kahit sobra na syang naiinip basta si Jhayz ang hinihintay nito. Hindi nya alam pero yun ang nararamdaman nya, kaya binalewala nya nalang yun. Hindi nya alam pagmamahal na pala iyun.

He had 2 past relationship after Jhayz. Hindi madali sa kanya pero ginawa nya parin. Napapahiya kasi ito dahil nalaman ng tropa nya na nagkaroon sya ng relasyon kay Jhayz. Kaysa naman kantsawan sya ng mga ito, naisipan nyang magkaroon ng relasyon sa ibang babae. Ngunit hindi ito nagtagal sa kanya. At pagtapos nun ay hindi na sya ulit nakipagrelasyon pa dahil nawalan na sya ng gana.

Nakalimutan na nya nung time na yun si Jhayz ngunit ng banggitin ito sa kanya ng kanyang pinsan na si Calvin ay tila tumibok ulit ang puso nito. Sinabi lahat ni Calvin ang lahat ng nakita nito kay Jhayz, ditalyadong ditalyado. At hanggang sa nalaman nya na sa Cavite na ito naninirahan at pumapasok.

Naisip nya, tutal magpapasukan palang naman ay naisip nyang doon nalang sya pumasok. Sakto naman dahil may tiyahin sya na may-ari ng isang business club sa Cavite.

Naisip nya na tawagan ito agad. Siguro ito na ang pagkakataon na magkita sila ulit. Dahil kapag nangyari iyun, ay hihingi sya ng tawad sa ginawa nya. At hihilingin nyang makipagbalikan dito, kahit na pahirapan pa sya nito.

---

Matapos nya kausapin ang kanyang Tita ay masayang pumayag ito, dahil gusto na daw syang makita ng mga pinsan nito na talaga namang kasundong-kasundo nya.

Dahil sa pagpayag ng Tita nya ay agad nya naman itong sinabi sa lola nya. Nung una ay nalungkot ito, ngunit naintindihan naman sya nito kaya pinayagan na sya. Sa susunod na araw ay aalis na sya at tutungo na ng Cavite. Sa Bacoor nakatira ang Tita nya, at si Jhayz naman ay napag-alaman nyang sa General Trias ito nakatira. Sobrang magkalayo ito, pero gagawin nya ito dahil baka maunahan pa sya ng iba.

Madaling lumipas ang araw at sa wakas ay lalarga na si Joven patungong Cavite. Sobra ang excitement ang nararamdaman nya ngayon. Habang nasabyahe na sya ay tinawagan nya si Calvin at sinabing alamin pa nito kung saan ang school na pinapasukan ni Jhayz ngayon.

---

Mabilis syang nakarating ng Cavite, at ng pagdating nya ay sinalubong agad sya ng mga pinsan nito. Pinagpahinga sya ng mga ito dahil kinabukasan ay alam ng mga ito na maghahanap na sya ng school na pwedeng pasukan.

Kinabukasan ay nagdadalawang isip na pumunta sya ng school nila Jhayz. Ngunit sinubukan parin nya ito. Nag-iingat din sya sa mga taong nakakasalubong dahil baka isa na doon sa kanila si Jhayz. Ayaw nya na malaman ni Jhayz ang pagpasok nya sa school na pinapasukan nito. Nagtungo sya sa registrar office para mag-enroll.

Ilang oras din ang hinintay nya bago sya makapasok ng registrar office. Nang sya na ang nasa loob ay ipinakita nya na ang requirements nya. Halos maguho ang mundo nya sa sinabi ng staff...

"Sorry, pero hindi available ang strand mo dito sa school namin. Humanap ka nalang ng ibang school na nag-ooffer nyan." Ani ng babaeng staff.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon