Chapter 7: Christmas Break

734 20 1
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Ansaket. Grabe, sobrang saket. Dahil sa sinabi na yun ni Joven. Napilitan akong ilayo na mismo ang sarili ko sa kanya. Ni kausapin sya, di ko na ginagawa. Well, ganito na talaga ang buhay ko. Punong puno ng Heartaches. Aishh! Sobra nya na naman akong sinaktan. Nakakainis! Pero kailangan kong gawin to. Kung papansinin ko man si Joven, siguro wala nalang malisya yun. Para wala nalang masabi yung iba. Tutal yun naman talaga ang gusto nya diba?

( Christmas Break... )

Nasa bahay ako buong maghapon. Nagmumukmok sa Facebook, Twitter, and Instagram. Well, bakasyon naman kaya free akong gawin ang gusto ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pababasa ng mga post ng biglang may nag message sakin. Kilala ko sya. Si Niño Villafuerte yun. Yung dati kong kaibigan dito sa school but nagtransfer sya sa manila dahil dun na daw sya magaaral. Nagulantang naman ako kaya. Bago ko buksan yung message nya ay kung ano anong kaartehan ang ginawa ko. Inayos ko muna yung buhok ko tas nag salamin ako at shenake-shake ko yung kamay ko. Nung nabuksan ko na ay napangiti ako.

( Chat Conversation... )

Niño Villafuerte: Jhayz! Kamusta kana? Miss na kita! Di kana nagpaparamdam ah? Hehe.

Ano ako multo? Aba, Bwiset to ah! Hehe joke lang!

ME: Ah, mabuti naman. Ikaw ninch?! Kamusta? Dito kaba magki-Christmas break?

Niño Villafuerte: Hindi ko pa kasi sigurado Jhayz eh. Pero alam mo kung ano ang sigurado ko?... Jan na ako papasok next school year!!! Masaya kaba? Huh?

ME: Talaga ba Ninch?! OMO! Sobra na tuloy along naeexcite habang naiisip ko yan! Basta, paguwi mo dito gagawa tayo ng maraming maraming memories.

Niño Villafuerte: Grabe. Nakakakilig naman nyan! Naeexcite nadin tuloy ako dahil sayo.

Me: Dahil talaga sakin ah! Kaloka ka talaga Ninch! Iba rin eh. Anyway, kamusta ka jan? Marami ka nabang babae jan? Huh? Hehehe, Joke lang!

Niño Villafuerte: Ewan ko sayo Jhayz. Nagseselos kalang eh. Kaya nasasabi mo yan.

Me: Ako nagseselos?! No way!

Niño Villafuerte: Anyway, Video Call nga tayo! Naboboring kasi ako sa chat eh.

Hindi pa ako nakakareply ay bigla nalang na may nagpop up sa LCD ng laptop ko yung call nya. Well, wala akong magagawa kaya sinagot ko na ang tawag nya. Sinaksak ko naman ang headset ko sa laptop, para ako lang makakarinig ng mga sinasabi nya.

"Oh? Jhayz? Di ka nga ba nagseselos? Siguro may Boyfriend kana jan, kaya bale wala nalang ako sayo."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon