Chapter 36: Role Play

247 9 1
                                    

// JOVEN'S P.O.V. //

Ilang araw na ang lumipas simula nung huling date or gala namin ni Jhayz. Kakamiss! Nakalimutan ko na nga yung mga kinuwento nya sakin eh.

Everytime naman na nag-uusap kami sa loob ng school binibigyan ng meaning ng mga classmates ko. Nakakainis kasi nahihiya si Jhayz kapag kausap nya na ako. Parang normal lang naman kami kapag nasa school, pero lagi ko syang inaasar. Kaya ang laging nalabas sa bibig nya ay 'demonyo'. Lagi nya ako tinatawag na demonyo. Kakainis nga eh, minsan napipikon na rin ako.

---

Fiesta samin ngayon, pumunta yung mga kaibigan at iba kong mga classmates dito. Kompleto sila pero may isa lang talaga akong hinahanap, si Jhayz. Wala sya, kaya kinailangan ko syang tawagan.

Ako: HELLO JHAYZ?
Sya: OH? JOVEN! BAKIT?
Ako: UHMM, PUNTA KA NAMAN DITO OH. FIESTA KASI DITO SA AMIN.
Sya: SORRY, WALA KASI AKONG KASAMA EH. TSAKA BAKA MA-OP LANG AKO DYAN. NEXT TIME NALANG SIGURO.
Ako: NAKU HINDI. HINDI KA MA-OOP KASI NANDITO YUNG IBA NATING CLASSMATES.
Sya: UHMM, SIGURO NEXT TIME NALANG. HINDI RIN KASI MAGANDA PAKIRAMDAM KO NGAYON EH. SORRY.
Ako: GANON BA? OH SIGE, NEXT TIME NALANG. INGAT KA.

Sayang, di sya makakapunta. Di bale, papakasaya nalang ako ngayong araw.

---

Kinaumagahan pumunta ako sa bahay nila Jhayz. Sabi nya sunduin ko daw sya kasi marami syang dalang props for the role play. Sunday kasi ngayon at bukas na ang role play nila.

Nadatnan ko silang dalawa ni Mark Joy. Tinulungan ko nalang silang dalhin sa sasakyan. Akalain nyo yun? May magarang kotse din pala si Mark Joy?! Haha, nakakamangha.

---

( The day of Jhayz role play )

"Joven? Pwede ba humingi ng favor?" Si Jhayz.

"Bakit? Ano bang klaseng favor ang hinihingi mo?"

"Pwede bang wag ka manood ng role play namin? Nahihiya kasi ako eh, tsaka feeling ko di ako makakapag-focus kapag nakikita kita. So, kung pwede wag ka munang manood. Please..." Pagmamakaawa nya.

"Ah-eh kung yan ang gusto mo. Ah, sige una na muna ako. Inuutusan pa kasi ako ni ma'am. Bye!" At umalis na ako.

Ano bang problema kung manood ako? Aishh! Bahala na nga. Basta gagawin ko nalang gusto nya. Baka magalit pa sya sakin kapag, at ayoko naman na mangyari yun.

---

Nasa labas lang ako ng FBI Building, naghihintay lang matapos ang role play nila. Dahil sa pagaantay ko ay nakatulog ako.

Nagising ako ng may gumigising sakin. Nang pagdilat ko, nakita ko si Aryan.

"Oh-ah, sorry nakatulog ako." Sabi ko, habang inaayos ko ang sarili ko.

"Oo nga eh. Anyway, ano bang ginagawa mo dito sa labas?"

"Ah-eh kasi..."

"Okay lang kahit hindi mo sabihin sakin. Sige, magiingat ka ah. Umuwi kana, tapos na yung role play namin. Bye!"

"Ikaw din. Magingat ka."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon