Chapter 8: Christmas Eve

702 17 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Nagising ako dahil sa tama ng sinag ng araw sa mukha ko. Bumangon ako sa pagkakahiga, at naupo ako sa bed ko. Nakita ko ang picture frame na nasa bedside table ko na nakataob. Inayos ko naman ito. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahiga ulit ako sa bed ko. First time ko lang kasing uminom ng alak.

Biglang may nagflash sa mind ko na ewan ko kung totoo. Inihiga daw ako dito ni Joven sa bed ko. At kitang kita ko ang pagmumukha nya na nakalapit sa mukha ko. Aishh! Bakit may ganun? Totoo ba yun?! Ahhhh!!! Sana hindi!!!

Bumaba ako ng hagdan para uminom ng gamot. Pinilit ko nalang ang sarili ko kahit sobrang sakit. Kaya nakababa na ako ng hagdan. Umiinom na ako ng gamot ng biglang sumulpot si Tita Sherly. Sya yung nag babantay saming magkakapatid.

"Nak, hinatid ka ng kaibigan mo kagabi. Nakainom ka daw. Di ka man lang nagpaalam sakin." Sabi ni Tita.

"Ah, sorry po Tita. Hindi na po mauulit." Sabi ko.

"Siguraduhin mo lang."

"Opo."

"Ah, Tita? S-sino po nahatid sakin kagabi?" Di ko naiwasang magtanong.

"Naghatid? Ah, ahmm... J-Joven daw ang pangalan nya eh."

"JOVEN???!!!" Nabigla ako sa sinabi ni Tita.

"Bakit? May problema ba?"

"Ah-eh, wala po Tita."

Opo Tita, may problema nga malaki! Aishh!Umakyat na ako sa kwarto ko. Dun ako nagmukmok maghapon.

Kinabukasan ay tumawag ako kay Lyka. Nagtanong ako kung ano pa ba ang nangyari kagabi. Wala siyang ibang sinabi kundi, "Tanungin mo nalang si Joven." Naiinis na talaga ako. Wala akong makuhang magandang sagot sa kanya. Kaya tinanong ko naman si Francia. Kasi sya yung taong mas close ko, kasi parang katulad sya ni Rachelle. Tumawag na ako sa kanya. Pero halos parehas lang ang sagot nilang dalawa. "Sorry Jhayz, di ko talaga alam. Siguro Tanungin mo nalang si Joven. Sya kasi yung naghatid sayo eh." Aishh! Tama na. Suko na ako. Bahala na.

Tumawag ako kay Joven. At sinagot nya naman agad.

"Jhayz?! Napatawag ka. Anong kailangan mo?"

"Ah, ano kasi, ahmm. Ano yung nangyari kagabi? May ginawa ba akong hindi maganda?"

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon