Chapter 32: Calvin

239 8 0
                                    

// JOVEN'S P.O.V. //

12AM. Nag-uusap parin kaming dalawa ni Calvin. Pero may sinabi sya sakin na halos hindi ako makasagot.

"Alam kong nagkakagusto kana sa kaibigan mo. At una palang ay halata ko na may gusto talaga sya sayo. Ba't di mo pa aminin sa kanya yang nararamdaman mo?" Hindi talaga ako makasagot."Ano? Hindi mo kayang sabihin? Kung ayaw mong umamin, edi akin nalang sya. Tutal mage-stay naman ako dito hanggang graduation nyo. Tsaka uso naman ang long distance relationship diba?"

"Pwede ba tumahimik ka nga! Kahit anong gawin mo, kaibigan lang ang turing  ko sa kanya. Tsaka, tama ka nga, may gusto sya sakin. Pero hindi ako tulad sayo na gagamitin sya just for your pleasure!" Hindi ko na napigilan na magreact.

Yes, his pervert. At pumapatol sya kahit na sa bakla. Nakakainis kasi ganyan sya mag-isip, at sa kaibigan ko pa! Hindi ko sya hahayaang gawin nya yun kay Jhayz!

"Wag mong sabihin na virgin ka pa? For your information, your ex girlfriend told me what happen between you and her." Halatang inaasar nya ako.

"We're just drunk at that night! At isang beses lang nangyari yun! Hindi na yun nasundan. Tsaka bakit kaba nakikialam?! Ano bang gusto mo?!" Sabay kaming napatayo nung time na yun.

"Tinatanong mo kung anong gusto ko? Huh?" Tanong nya sakin. Hindi ako umimik. "Gusto ko sya! May mali ba dun?! At hindi ko gagawin sa kanya kung ano man ang iniisip mo! Seryoso ako Joven. Hindi ko sya pipilitin sa mga gusto kong gawin, hahayaan ko syang magdesisyon."

"Hindi ako naniniwala sayo. Kaya please lang Calvin, wag yung kaibigan ko." Ang tinutukoy ko ay si Jhayz.

"Hindi mo ako mapigilan Joven. Gagawin ko kung ano man ang gusto ko. At sya ang gusto ko." Seryoso nyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo! Basta hindi ako papayag."

At lumabas na sya ng kwarto ko. Nilock ko naman agad ang pinto. Grabe, buti nalang at hindi ako masyadong nalasing dun. Kaya ang ginawa ko ay humiga na ako sa kama.

---

Kinaumagahan ay nagising ako wala si Jhayz sa tabi ko. Kaya agad akong bumaba at nakita ko sila na nasa kusina. Nakaupo lang si Jhayz habang si Calvin ay gumagawa ng breakfast at take note, baka topless sya habang naka afron. Nag-uusap lang sila, habang si Calvin ay todo ang pacute. Tsk!  Masyadong pasikat!

"Jhayz, halika kana. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko at agad ko syang hinila.

"Bro! Di pa sya nagbebreakfast. Hayaan mo nga muna sya!" Si Calvin.

"Hindi Calvin, okay lang. Dun nalang ako magbebreakfast sa bahay. Salamat nalang! Bye!" Sabi ni Jhayz at nginitiian nya pa ito.

Aishh! Nakakaasar talaga to si Calvin! Sana nga umalis na 'tong mokong na to! Baka kung ano pa ang gawin nya kay Jhayz.

"Halika na, baka may mangyari pang hindi maganda kapag nag-stay kapa dito." Inis kong sabi.

Palabas na kami at hila hila ko parin sya.

"Dyan kalang. Wag kang aalis dyan, hintayin mo nalang ako dyan. Ako nakukuha ng mga gamit mo." At tumalikod na ako sa kanya. Pero lumingon ulit ako."Tsaka, wag mo nang lalapitan si Calvin. At wag ka ding maniniwala sa mga pinagsasasabi nya, niloloko ka lang nun."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon