Chapter 27: Unlucky

278 6 1
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Time for dinner na kaya kailangan na naming bumaba para kumain. Nakapagpalit na din ako ng damit dahil sobrang init sa labas kanina, nung gumala kami. Nabalitaan nga namin na yung likod nito ay may mental hospital, kaya natakot kami. Pero sabi naman ng mga sisters ay wala namang dapat ikatakot kasi nga safe ang mental hospital, hindi basta basta makakalabas dun ang may mga mental illness. Tsaka malayo naman daw ang mental hospital sa mismong retreat house.

Naglalakad na ako pababa ng nakita ko yung nakabukas yung pinto ng isang room. Isa kasi sa mga rules and regulations dito na wag iiwan ang room na nakabukas dahil masasayang ang aircon na nakalagay sa bawat room. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako dun para isarado. Pansin ko na ako nalang pala ang naiwan dito, kaya medyo natakot na ako kasi baka may multo dito.

Nasa tapat na ako ng room na nakabukas ang pinto, hindi naman talaga sya literary na bukas, slight lang. Tinignan ko kung may tao pa sa loob, and meron nga. I saw Joven removing his shirt and his pants to change his clothes, and now he is only wearing boxer shorts. OMO?! Bakit ko nakita yun? Kaya ang ginawa ko ay sinarado ko kaagad ang pinto at napasandal sa pinto. Feeling ko namumutla na ako dahil sa kaba. Nagiinit ang paligid ko. Feeling ko sinusunog ako!

Anong gagawin ko? Tatakbo na ba ako? Tama! Dapat na nga akong tumakbo pa layo! Pero, hindi ko akalain na biglang bubukas ang pinto. Mula sa pagkakasandal ko sa pinto ay napahandusay ako sa lapag dahil sa pagbukas ng pinto. OMO?! Nakita nya ako? Patay ako!!! Ngayon ay nakatayo na sya sa tapat ng pinto na nakaboxer shorts parin. Actually, maganda ang katawan nya. Nakaka-LAWAY. Aishh! Ba't ko ba iniisip yan!

"Jhayz? Anong ginagawa mo dito?" Nagatatakang tanong ni Joven.

"Huh? A-Ano kasi... Uhmm, a-ano, y-yung pinto? Kanina kasi---" Bigla nyang pinutol ang sasabihin ko. Inabot nya ang kamay ko para itayo.

"Ah, yes. I know, you're just checking the room right?"

"Tama, ganun nga." Nahihiya kong sagot. "Nakabukas kasi ang pinto, kaya isasarado ko sana. Tapos yun nga, nakita kitang naka... ganyan nga."

"OK lang, wag kang mahiya. At least hindi mo ako nakita na fully naked." Sabi nya habang natatawa.

"Aishh! Next time Joven, magsarado ka ng pinto kapag magbibihis ka!" Inis kong sabi.

"OK, OK. I'll do that next time. Akala ko kasi wala ng tao eh. By the way, sabay na tayo bumaba. Antayin mo lang ako dyan sa labas."

"Sige. Bilisan mo hah!"

Grabe! Nakakahiya talaga ang ginawa ko!!! Sobrang nakakahiya. Talagang sya pa yung nakita ko. Grabe!!! Aishh! Pano nalang kung ipagsabi nya sa iba yun?! Juicecolored! Bahala na!

Maya maya lang ay lumabas na sya, at sabay na kaming pumunta ng dinning area. Pansin ko na hindi pa sila naguumpisa kumain kaya pumasok na kaming dalawa. Siguro mga three steps palang ang nagagawa ko ay nag si "uuuuyyyyyy!" Na ang mga classmates ko. At alam ko na yun kung bakit. Hindi ko na sana papatulan pero biglang nagsalita si Mark Joy.

"Magsitigil nga kayo! Mga malisyoso! Wag nyo nga silang asarin!" Inis na sigaw ni Mark Joy.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon