Chapter 24: Felicitation

315 5 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Hindi ako nakatingin kay Joven. Sa iba akong direksyon nakatingin. Pinigilan ko ang sarili ko na magalit. Mabuti nalang kaya ko, dahil ayokong mag-away na naman kami.

"Jhayz? Kamusta kana?" Panimula ni Joven.

"Ayos lang." Sabi ko habang nakatingin parin sa ibang direksyon.

"Sorry nga pala sa mga nasabi ko sayo nung nakaraan. Hindi ko talaga sinasadya Jhayz. At hindi ko din gusto na may mangyaring masama sayo ng dahil lang sakin."

"Hindi mo na kailangan mag-sorry Joven. Totoo naman kasi yung sinabi mo sakin eh. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang magmove-on. Kahit gustuhin ko di ko parin magawa, kasi lagi ka lang nandyan. Susubukan ko nalang tanggapin ang lahat." Pinipilit ko na ngumiti habang sinasabi ko ang lahat ng iyon. "Uhmm, OK na sakin yun Joven. Kakalimutan ko nalang yung nangyari nung nakaraan. Siguro nga OK na lang talaga satin ang magkaibigan. He he."

"Talaga Jhayz? Wala ng bawian ah! At wala na ding tampuhan." Masaya nyang sabi.

"Oo naman! Promise ko yan sayo. Basta wag ka lang gagawa ng ikakagalit ko. At wag na wag mong sasaktan si Aryan. Dahil kapag nagbreak kayo..." Pangbibitin ko.

"Anong gagawin mo? Aawayin mo ko ulit?"

"Hindi! Papatayin kita. Ang hirap din kaya magmove-on! Tapos maghihiwalay lang pala kayo? Ano yun? Parang niloko ko lang sarili ko. Hahaha!"

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon