Chapter 52: Cruise II

250 9 2
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

2PM. Nagumpisa ng bumyahe ang barko. 7PM pa ang balik ko sa establishment kaya nandito muna ako sa loob ng room ko. Hindi gumagana ang aircon dito sa loob kaya tinawagan ko ang utility para ayusin na ang aircon. Pero natatagalan pa daw dahil may inaayos din daw ito sa ibang mga rooms dito sa cruise ship.

Hindi ko na tuloy alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Kung nandito lang sana ang asawa ko, edi sana naayos nya na tong aircon. Aish! Naalala ko na naman ang asawa ko, namimiss ko na naman tuloy sya.

---

Sobrang init talaga! Almost 30 minutes na akong naghihintay dito pero wala paring utility na dumadating kainis! Tatawagan ko na nga lang muna ang asawa ko! Miss na miss ko na yin eh.

Starting video call...
"Hello Love! Kamusta ka na?" Pagbati nya.

"Eto namimiss ka na ng sobra. Anyway love, kanina nagstart na ako sa work. Mababait naman ang team ko, kaya magiging madali lang ang trabaho ko dito. Ikaw, anong ginagawa mo?" Yung pinakamalambing kong saad.

"Well love, nandito parin ako sa hospital. Still hindi parin nagigising si dad." Sabi nya at ihinarap ang phone kay Papá. "Miss na miss narin kita love. Sana talaga nandyan ako, gusto ko kasi talagang kasama ka dyan. Mwa!" Dagdag nya pa.

"Haha. Ikaw talaga love pinapakilig mo ko!---" Bigla nalang akong natigil ng may kumatok sa main door ng room ko kaya nilingon ko ito. "Ah, teka lang love ah, yung utility na siguro yun. Bababa ko muna to. Tawagan nalang kita ulit mamaya, I love you! Mwa!"

"I love you too! Bye!" Saad nya bago ko ibinaba yung tawag.

Nilagay ko ang phone ko sa table at naglakad na ako patungo sa pintuan. Hay salamat nalang talaga at dumating na ang utility para maayos na ang aircon. Kanina pa ako dito nagtitiis sa init!

"Hay salamat kuya at dumat---" Naputol ang sasabihin ko dahil sa taong nasa harapan ko.

Ang akala ko ay ang utility na ang dumating ngunit hindi pala. Napahinga nalang ako ng malalim saka ako nagsalita.

"What are you doing here Mr. De Guzman?" Walang ekspresyon kong saad.

"Uhmm, I'm here to help Jhayz!" Sabi nya at saka ngumiti.

"Oh come on Mr. De Guzman, please be professional. Call me Ms. Del Rosario." Saad ko at kunwaring natatawa. "Anyway, kung nandito ka para tumulong well tatanggapin ko. Pasok ka!"

Pumasok na kami sa loob. Nagtungo kami sa sala kung nasaan ang aircon. Actually tatlo ang aircon na hindi gumagana, yung sa sala, sa kwarto ko and sa comfort room. Pero sa totoo lang, nagtataka talaga ako kung marunong nga ba talaga itong si Joven mag-repair ng aircon. Taong dagat sya, I mean his a seaman, I don't think he knows about appliances. Aish! Never mind.

"Mr. De Guzman? Sigurado ka bang marunong ka magayos ng aircon? Baka lalo mo lang yan masira." Sabi ko.

"You know what, just call me with my name. It's just difficult for you to call me Mr. De Guzman. Just call me Joven, we're close naman, right?" Saad nya naikinataka ko. Nag-umpisa na sya sa pag-aayos ng aircon.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon