Chapter 56

220 7 1
                                    

Unfaithful
_______________________________________

//JOVEN'S P.O.V.//

Sobra sobra ang saya ko ng pumayag si Jhayz sa invitation ko na pumunta sa inihanda kong party. It's my birthday. Kaya naman agad ko syang ininvite sa special na araw ko bukas. May kailangan din akong sabihin sa kanyang importanteng bagay.

Hindi ko maiwasang maexcite dahil magkikita na naman kaming dalawa. Ininvite ko na lahat ng batchmates and friends namin in junior high school para kahit papaano ay hindi sya mainip kapag aasikasuhin ko na ang iba ko pang bisita.

Sa bahay gaganapin ang party kaya naman naghanap na ako ng taong magoorganize ng party ko sa manila palang. Kaya naman ng dumating ako dito kahapon ay agad na kaming naghanda. Semi-formal ang magiging suot ng lahat, pero syempre dahil gusto ko mas maging maganda si Jhayz sa mismong kaarawan ko, sinabi ko sa kanyang Formal ang magiging attire. Hehe. For sure maghahanap na sya ngayon palang ng masusuot. Hindi ko tuloy maiwasan na mas lalong maexcite ng maisip ko palang na napakaganda ni Jhayz sa susuotin nyang dress. Pero kahit ano naman ang suotin nya ay talaga namang napakaganda nya. At ngayon na malaya na ako, wala na akong dahilan para hindi sya mahalin. Mas mahal ko na sya higit pa sa sarili ko. Simula ng umalis sya ng probinsya at nag-aral sa manila. Dun ko lahat narealize kung gaano kaemportante ang taong sinaktan ko lang ang feelings para sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na mamahalin ko sya eh.

Bukas pa ng 6pm gaganapin ang birthday party ko kaya mahaba haba pa ang oras para makapag pahinga na ako. Bukas ko nalang ulit ipagpapatuloy ang mga ginagawa kong ito for the event tomorrow. Sa ngayon, kailangan ko na muna matulog.

Kinaumagahan, nagising ako ng hindi ko namamalayan na napakalaki na ng ngiti sa labi ko. Agad pumasok sa isip ko ang image ni Jhayz. Masaya ako dahil ngayong araw na ito ay magiging isa sa pinakamasaya kong kaarawan sa buong buhay ko.

I immediately texted greeted her, saying good morning. Mas lalo naman tumindi ang ngiti ko ng mag reply sya. Tinanong ko kung handa na ba sya sa party mamaya, at ang sinabi naman sya ay, ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. Btw, happy birthday. God! Sobra na akong hulog na hulog sa taong 'to na kahit simpleng reply lang ay napapangiti na ako.

Kailangan ko na mag asikaso dahil baka kapag hindi pa ako mag asikaso ngayon baka mabulilyaso lang ang mga plano ko para sa special day na ito.

_______________________________________

//JHAYZ'S P.O.V.//

Nabigla man ako sa imbitasyon na iyon ni Joven ay hindi ko na sya hinindian. Natuwa ako ng malaman ko na masaya sya ng dahil doon sa pag payag ko kagabi. At ngayon nga ay katatapos ko palang pumili ng susuotin ko para mamayang gabi. Simple gown lang naman ang susuotin ko. Nude ang color nito at may mahabang slit mula upper leg hanggang dulo ng gown. Hanggang talampakan lang ang gown ko kaya kayang kaya ko itong dalhin buong oras ng party. At kung magkaroon man ng problema at madumihan ang suot kong gown, magdadala ako ng pamalit. Isa naman itong scarlet red dress na ginamit ko nuong magkaroon ako ng promotion party nung nasa Sanfo kami.

3pm na. Katatapos ko lang maligo and I am doing my face make over ng pumasok ang asawa ko. Alam na nya ang about sa party and thanks God, pumayag sya ng wala akong nakikitang hesitation or jealous.

"You're beautiful even without makeup." Komento nya.

"Love naman. Are you saying na wag na ako mag makeup?" Sabi ko habang biniblend ang foundation sa buong mukha ko.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon